Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
lovers syota posas arrest

Magsyota huli sa akto: Sakto sa pot session

HULI sa akto ang magsyota habang sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay ng isang construction worker sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga naa­res­­tong suspek na sina Monaliza Alapide, 47 anyos, repacker, residente sa Wyoming St., at Cirilo Paz Jr., 50 anyos, ng Santiago St., kapwa residente sa Vista Verde Executive Village Kaybiga, Brgy. 166.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, dakong 3:00 am nang makatanggap ng tawag mula sa con­cerned citizen ang Caloo­can Police Community Precinct (PCP) 6 hinggil sa umano’y nagaganap na pot-session sa kanilang kapit­bahay.

Agad nagresponde at nagsagawa ng follow-up operation sina P/Cpl. Edgar John Reyes at P/Cpl. Nolie Boy Guerrero na naaktohan ng mga suspek na sumi­singhot ng shabu sa Copen­hagen St., Vista Verde Executive Village, Brgy. 165, Llano sa nasabing lungsod.

Nakompiska sa mga suspek ang isang naka­bukas na transparent sa­chet, isang plastic sachet na naglalaman ng hinihi­nalang shabu, isang lighter at dalawang aluminum foils.

Iniimbestigahan sa Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit para sa proper disposition.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …