Sunday , December 22 2024
OCTOBER 27, 2018 Profile: Bureau of Customs V Collector and former X-Ray Inspection Project Chief Atty. Lourdes Mangaoang interview. (FOR JOVIC) INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

‘Arogante’ at ignoranteng piloto ng PAL sinopla ni BoC Deputy collector Lourdes Mangaoang

ISANG aroganteng piloto ng Philippine Airlines (PAL) ang ‘natauhan’ sa kanyang kayabangan at kaignorantehan nang sulatan ni Bureau of Customs (BoC) Deputy Collector for Passenger Service, Atty. Lourdes V. Mangaoang si PAL President Jaime J. Bautista.

Ang PAL pilot ay kinilalang si Domingo Ignatius Diaz na siyang in-charge sa PAL PR 222 mula Brisbane Australia, na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong 16 Abril dakong 4:50 pm.

Siyempre, gaya ng ibang pasahero, daraan sa tamang proseso si Diaz pagbaba sa eroplano. Sumailalim din sa X-ray scan ang kanyang mga bagahe.

At nang makitang may kakaiba sa loob ng kanyang bagahe, pinatungo si Diaz sa Customs area para sa physical examination.

Doon biglang lumabas ang mga ‘umuusok’ na lengguwahe ni Diaz, “twelve years na akong piloto ngayon lang ako nasita.”

Kaya sinagot siya ni Customs Examiner Mary Jane Labitigan ng, “Verify ko lang po Sir kung anong nakita sa X-ray sa inyong bagahe.”

Ang nakitang kakaiba, ang tatlong kilong sariwang karne ng baka (beef) kaya dinala si Diaz sa Quarantine Officer na si Elizabeth Eguares.

Kinompiska ang dalang karne ng baka ni Diaz at inilagay na Veterinary Quarantine Violation Report No. 7545.

Ang labis na ipinagtataka ni Atty. Mangaoang, bakit ‘hindi alam’ ni Diaz na kamakailan lang ay inianunsiyo sa mass media maging sa social media ng Department of Agriculture (DA) na mayroong animal disease epidemic sa labas ng bansa kaya nga ipinagbawal muna ang importasyon ng “fresh meat.”

‘Yan ay para mapigilan ang paghugos papasok sa bansa ng “animal disease” at maprotektahan ang kalusugan ng publiko.               

Sa kanyang liham kay Bautista, binigyang diin ng abogada ang kaignorantehan ni Diaz.

 Aniya, “It is a puzzle that your cabin crew is ignorant of this present state affair…”

Dagdag ni Mangaoang, “To set the record straight, since BoC and DA enforced the confiscation of fresh meat, it is only Diaz who has the kind of arrogant attitude.”

Inilinaw din ni Deputy Collector Mangaoang sa kanyang liham kay Bautista na, “Pursuant to Article 148 of the Revised Penal Code, an individual may be charged with Direct Assault if he… “Seriously intimidate or resist any person in authority or his agents while engaged in the performance of official duties, or on occasion of such performance… shall suffer the penalty of prision correccional.”

Klaro ang mga paliwanag ni Atty. Ma­ngaoang.

Minsan pang pinatunayan ng matapang na Customs official na kahit sino pa ang lumabag sa batas sa ilalim ng ahensiya, nakahanda siyang ipaliwanag at ilatag ang kanilang mga basehan kung bakit kailangan nilang ipatupad ang batas kahit kasing ‘arogante’ pa gaya ni Diaz ang kumasa laban sa kanila.

At dahil doon,  pinagsabihan ng  PAL ang kanilang pilotong si Diaz at naglabas ng Memorandum sa lahat ng PAL crew members na sundin ang regulasyon at alituntunin na ipinatutupad ng Customs.

Hindi siguro alam ni Diaz na si Atty. Mangaoang, ang babaeng Customs official na mayroong ‘balls.’

Ngayong muling napatunayan ‘yan, may susunod pa kayang gustong sumubok?!

Babala: baka sumakit ang ulo ni PAL prexy Jimmy Bautista?! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *