HINDI lang pala ang Iloilo International Airport ang paboritong gateway ng mga Pinoy tourist workers.
Favorite na rin pala ang Davao International Airport (Francisco Bangoy International Airport) na lapagan ngayon ng mga Bombay.
Kaya naman tiba-tiba raw ang mga ‘pastolero’
ng Bureau of Immigration (BI) riyan sa Davao.
Mantakin ninyo, P50 mil kada ‘turban?!’
Hindi simpleng turban ‘yan — kundi ‘yung special turban na nakasuot sa Indian national na ‘palulusutin’ papasok sa Airport ng Davao.
Hindi lang mga may turban, lumulusot din diyan ‘yung tinatawag na Bombay national at ilang Pakistani.
Baka akala ninyo ‘e sa iisang nasyon lang nanggagaling ‘yan dahil magkakamukha?
Hindi naman tayo rasista, pero bukod sa parang magkakamukha sila, magkakaamoy din sila.
‘Lam n’yo na ‘yun!
Mahirap i-describe ang amoy nila kasi baka mahilo kayo mga suki kapag tumalas ang imahinasyon ninyo batay sa deskripsiyon na mailalahad ng inyong lingkod.
Hindi kaya masingitan sila diyan ng terorista?
Anyway, mukhang nagpi-fiesta raw ang BI-Davao na ang hepe riyan ay isang Immigration Officer (IO) Fernandez sa pagpasok ng mga Indian o Bombay national sa Davao airport?
Kumbaga, hindi lang nagmamantika kundi naglalawa raw ang mantika sa nguso nitong si IO Fernandez?
Totoo ba Sir Fernandez?
Naku, alam na ba ni Mayor Inday Sara ‘yang raket na ‘yan?
Paanong nakapapasok ‘yang mga Indian national na ‘yan sa Davao nang walang kaalam-alam si BI Comm. Bong Morente?
Sino ang nakikinabang sa P50,000 kada turban na nais pumasok sa Filipinas!?
Attention po SOJ Menardo Guevarra!
CAYETANO ‘DI LANG
KALIPIKADO
PINAKAKARAPAT-DAPAT
MAMUNO SA HOUSE
KUNG susuriing mabuti, si Congressman-elect Alan Peter Cayetano na siguro ang pinakakarapat-dapat at may kakayahan na maging bagong Speaker of the House.
Noon pa man ay subok na ng panahon at napatunayan na ni Cayetano kay President Rodrigo Duterte na mayroon siyang kakayahan na gampanan ang trabaho at kaya niya itong tapusin na may malinaw at maayos na resulta.
Kagaya noong 2016, naibigay ni Cayetano ang napakalaking boto ng noo’y Davao mayor sa resulta ng presidential election sa Taguig, ang bailiwick ng mga Cayetano, kompara sa mga nakalabang kandidato.
Tatlong taon ang nakalipas, ang mga kandidato naman ng Hugpong ng Pagbabago na binuo ng Presidential daughter na si Sara ang nanguna sa Senate race sa Taguig.
Walang duda na si Cayetano na siguro ang tamang mapili. Bakit ‘ikan’yo? Kahit na sa ibang bansa, naipagtanggol ni Cayetano ang Presidente sa harap ng international community sa war on drugs ng gobyerno. Hinarap din niya bilang isang magiting na public servant ang kasong isinampa sa kanya at kay Presidente Duterte ni Atty. Jude Sabio sa international courts.
Sa character ni Cayetano, napatunayan na rin niya ang sensiridad sa pagsisilbi sa bayan.
Nagpatuloy si Cayetano na ipatupad ang good governance sa pamahalaan at itinakwil ang corruption bilang congressman at senator.
Hinarap din nang buong tapang ni Cayetano ang mga maimpluwensiyang tao at inimbestigahan at isiniwalat ang mga maanomalyang transaksiyon sa pamahalaan man o pribadong sektor.
Ang patunay nito, hindi nadawit ang pangalan ni Cayetano sa kahit na anong kontrobersiya kasama na ang sinasabing nagaganap na vote-buying scheme umano sa House of Representatives.
Sa mga ulat na naglabasan, ang kampo ni Rep. Martin Romualdez ay nag-alok umano ng P500,000 sa bawat kongresista na boboto sa kanya samantala dinoble naman ni Rep. Lord Allan Velasco ang presyo sa bawat botong makukuha sa pagka-Speaker.
Sa track record ng kakayahan at experience, walang duda na si Cayetano ang nangunguna sa lahat ng mga nagnanais na maging Speaker.
Ang incoming Taguig congressman, na nanalo sa pamamagitan ng landslide noong May 13 polls, ay may malawak na experience sa parehong local at national politics.
Si Cayetano ay nanungkulan bilang konsehal, vice mayor, at three-time congressman. Siya rin ay naging two-time senator ng bansa.
Makikita natin base sa kanyang karanasan, siya ay mabisang tulay sa pagitan ng House at ng Senado na siguradong mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga plano at mithiin ng administrasyon para sa ikagaganda ng bansa.
Si Cayetano ay naging miyembro na rin ng Gabinete, na ibig sabihin ay mayroon siyang link sa pagitan ng legislative at executive branches ng gobyerno.
Kayang-kaya rin niyang gampanan ang papel bilang representante ng House at ng gobyerno sa mga international arena. Dahil ito sa kanyang experience bilang naging top diplomat sa Department of Foreign Affairs.
E kung ganyan ang track record ng isang mambabatas, gaya ni Alan Peter Cayetano, may hahanapin pa bang iba?
Sabi nga nila, wala nang iba, siya ang karapat-dapat na maging susunod na House Speaker.
Wanna bet?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap