Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dance instructor, nakaligtas sa 9 bala

HIMALANG nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang lalaking dance instructor makaraang tamaan ng siyam na bala sa katawan, nitong Sabado ng gabi sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Bagamat may siyam na tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril, nasa ligtas nang kalagayan at nakaratay sa ospital ang biktimang si Michael Allan Velasco, 40, residente sa C. Benitez St., Cubao, QC.

Bagamat kinilala ang suspek sa alyas na Ron­nie, patuloy na inaa­lam ng pulisya ang pagka­kakilanlan sa suspek.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Benjamin Gabriel Jr., hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5, naganap ang insidente dakong 9:00 pm nitong Sabado sa Champaca St., Brgy. Pasong Putik, QC.

Nauna rito, naka­tanggap ng mensahe ang biktima mula sa kanyang Facebook account na kailangan ni Ronnie ang serbisyo ni Velasco bilang dance instructor para turuan ng sayaw ang mga kawani ng isang hard­ware.

Nagpadala ng pau­nang bayad na P1,000 si Ronnie kay Velas­co para sa pasahe ng biktima papuntang Champaca St., mula Cubao. Pina­unlakan ng biktima ang imbistasyon.

Pagdating ni Velasco sa Champaca St., nagkita sila ni Ronnie at saka inutusan ng suspek si Velasco na umangkas sa dala-dala nitong motorsiklong “Mio.”

Dinala  ng suspek ang biktima sa isang open court sa Chmapaca St., saka inagaw ang cell­phone ng biktima bago pinaputukan nang siyam na beses.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay pa rin ng kanyang motorsiklo habang si Velasco ay dinala sa ospital ng mga tumulong na mga tao sa nasabing lugar.

Patuloy na nagsa­sagawa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam kung may kuha ang mga CCTV sa pinangyarihan ng pamamaril.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …