Friday , November 22 2024

Romualdez bilang speaker? Imee duda sa pinsan

MISTULANG tinuldukan ng pinsan ni Leyte Rep. Martin Romualdez na si Senator-elect Imee Marcos ang ambisyon niyang maging Speaker of the House.

Si Imee na mismo ang nagsabi sa isang interview sa ANC na ‘realistically speaking’ mahihirapan ang pinsang si Martin dahil hindi naman marami ang mga nanalong kongresista ng LAKAS na partido ni Martin.

Ito ay sa kabila ng anunsiyo ng kampo ni Romualdez na mayroon na siyang nakopong 126 kongresista na susuporta sa kanya sa speakership race.

Sa totoo lang, kung lilimiing mabuti, tila lumilinaw na ang labanan sa speakership ay sa pagitan ng dalawang Alan.

Si Cong. Lord Allan Velasco at Alan Peter Cayetano. Aminin na natin, kung sino ang kikilingan ng Malacañang, ‘yun ang malaki ang posibilidad manalo kahit na sinasabi ni PRRD na ayaw niyang makialam sa usapin ng speakership.

Sinabi rin ni Imee sa interview, kung sino ang panigan ng Pangulo, ‘yun ang pinakaposibleng manalo dahil kadalasan sumusunod ang mga kongresista sa nais ng pangulo hindi kagaya sa senado na mayroong sense of independence.

Lalo pang kapana-panabik ang labanan, dahil ayon sa mga umuugong na balita, maraming mga kongresista na kasapi ng LAKAS at PDP-LABAN ang tatawid sa NUP o National Unity Party dahil mas bongga raw ang samahan ng mga miyembro ng naturang partido kompara sa iba.

E ‘di ba, ‘yung NUP nagpalabas na ng state­ment noon pa na si Cayetano umano ang kanilang susuportahang speaker.

Naku, paano na lang ang ibang speaker contenders na ngayon pa lang kung makaasta ay panalong-panalo na?!

‘Yan ang aabanagn natin!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *