MISTULANG tinuldukan ng pinsan ni Leyte Rep. Martin Romualdez na si Senator-elect Imee Marcos ang ambisyon niyang maging Speaker of the House.
Si Imee na mismo ang nagsabi sa isang interview sa ANC na ‘realistically speaking’ mahihirapan ang pinsang si Martin dahil hindi naman marami ang mga nanalong kongresista ng LAKAS na partido ni Martin.
Ito ay sa kabila ng anunsiyo ng kampo ni Romualdez na mayroon na siyang nakopong 126 kongresista na susuporta sa kanya sa speakership race.
Sa totoo lang, kung lilimiing mabuti, tila lumilinaw na ang labanan sa speakership ay sa pagitan ng dalawang Alan.
Si Cong. Lord Allan Velasco at Alan Peter Cayetano. Aminin na natin, kung sino ang kikilingan ng Malacañang, ‘yun ang malaki ang posibilidad manalo kahit na sinasabi ni PRRD na ayaw niyang makialam sa usapin ng speakership.
Sinabi rin ni Imee sa interview, kung sino ang panigan ng Pangulo, ‘yun ang pinakaposibleng manalo dahil kadalasan sumusunod ang mga kongresista sa nais ng pangulo hindi kagaya sa senado na mayroong sense of independence.
Lalo pang kapana-panabik ang labanan, dahil ayon sa mga umuugong na balita, maraming mga kongresista na kasapi ng LAKAS at PDP-LABAN ang tatawid sa NUP o National Unity Party dahil mas bongga raw ang samahan ng mga miyembro ng naturang partido kompara sa iba.
E ‘di ba, ‘yung NUP nagpalabas na ng statement noon pa na si Cayetano umano ang kanilang susuportahang speaker.
Naku, paano na lang ang ibang speaker contenders na ngayon pa lang kung makaasta ay panalong-panalo na?!
‘Yan ang aabanagn natin!
POGO SA SUN CITY
BANTAYAN NG BIR
HINDI na dapat lumayo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kung isyu ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang pag-uusapan.
Target umano ngayon ng BIR ang mga unregistered POGO workers.
Korek kayo riyan!
Diyan sa Sun City sa Macapagal Blvd., sandamakmak ang online gaming diyan.
Madalas din ay sandamakmak ang ‘junket’ nila.
Ayon sa ilang source natin, marami sa kanila ang kumikita ng P200,000 kada buwan, pero karamihan din nga sa kanila ay hindi rehistradong POGO employee.
So kung hindi sila rehistrado, kanino o saan sila magbabayad ng buwis (tax)?
‘Yan po ang dapat busisiin ng BIR.
Sana naman, sa malao’t madali ay makabuo ng sistema ang BIR para mas mabilis nilang mai-monitor kung sino-sino ang Chinese nationals na dapat nilang pagbayarin ng buwis kapag nandito at nagtatrabaho sa Filipinas.
Pabor tayo riyan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap