Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P.6-M shabu nakuha sa dalawang tulak

DALAWANG big time drug traders ang naa­res­to ng pulisya na na­kom­piskahan nang ma­hi­git sa P.6 milyong halaga ng shabu sa iki­nasang buy bust ope­ration sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng hepe ng Malabon police na si P/Col. Jessie Tamayao ang mga suspek na sina Marlon Solano, alyas Bombay,  32 anyos, residente s Block 54, Lot 21, Phase 3F2 Dagat-Dagatan, at Matthew Von Erick Soriano, 24 anyos, taga-Brgy. 12,  kapwa ng Caloocan City.

Ayon kay Tamayo, ilang linggong nagsa­gawa ng surveillance ang kan­yang mga tauhan laban sa mga suspek.

Dakong 3:00 am kaha­pon, kaagad na nagkasa ng buy-bust operation ang mga tau­han sa Station Drug Enforcement (SDEU) sa pamumuno ni P/Lt. Zoilo Arquillo laban sa mga suspek sa panulukan ng Teachers Village at  Pla-Pla streets,  Brgy. Longos, Malabon City.

Isang pulis ang nag­panggap na bibili ng shabu, na nagkakahalaga ng P1,000 at nang maiabot na ang droga ay dito kaagad inaresto.

Nakompiska mula sa mga suspek ang nasa 23 pirasong plastic sachet,  na naglalaman ng shabu, na tinatayang nasa mahigit 100 gramo, na nagkakahalaga ng P680,000.

Itinuturing na big time na tulak ng ilegal na droga sa nabanggit na lugar ang mga suspek na nakatakdang sam­pahan ng kasong pagla­bag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …