Sunday , November 24 2024

TRO ni Rep. Joey Salceda makatuwiran lang para sa mga probinsiyano

PABOR trayo sa inihaing temporary restraining order (TRO) ni Albay Rep. Joel Salceda kaugnay ng pagbabawal sa mga provincial buses sa EDSA.

Lahat daw kasi ng provincial buses na may terminal sa EDSA ay pinalilipat sa Sta. Rosa, Laguna.

Ano nga naman ang pagkakaiba ng terminal sa EDSA at terminal sa Sta. Rosa, Laguna?!

Pareho lang.

Maliban sa mga karagdagang bayarin at abala sa oras na ang tanging maapektohan ay mga pasahero ng mass transportation.

Imbes mapabilis, lalo pang madaragdagan ang oras nila sa pagbibiyahe. Dagdag gastos din ito lalo na ‘yung mga galing sa probinsiya na maraming bagahe.

Ilang beses ba nating sasabihin na hindi ang mga provincial mass transportation ang pinagmumulan ng pagsisikip ng trapiko dahil kung bibilangin mas kaunti sila sa private cars.

So, bakit ang mass transportation ang pinag-iinitan ng mga ahensiya ng gobyerno gayong ang maapektohan nito ay mahihirap nating kababayan?!

Alam ba ng mga may pakana ng pagbabawal ng bus terminal sa EDSA na ginto ang ‘pasahe’ sa mga taga-probinsiya?!

Kung sa Metro Manila nga ay naliligaw ang mga kababayan nating galing sa probinsiya, doon pa kaya sa Sta. Rosa na isa pa ring probin­siya o lugar na hindi pamilyar sa kanila?

Mantakin ninyo 6,000 northbound at south­bound provincial buses ang iba-ban sa EDSA? Maka­tutulong ba ‘yan para lumuwag ang trapiko?

Alalahanin ninyo 6,000 lang ‘yan? Maliit kompara sa mga pribadong sasakyan na nagya­yaot sa EDSA araw-araw.

By the way, kumusta nga pala si MMDA Chairman Danilo Lim?! May sakit ba si Chairman at hindi napagkikita?            

E laging si Ms. Celine Pialago lang ang nahahagip natin sa telebisyon at siyang laging nagsasalita sa media.

Ano na ba ang nangyayari kay MMDA Chairman Danny Lim at bakit masyado siyang tahimik?!

Nakaka-miss rin po kayo General Lim!

Pakibalitaan nga ninyo kami MMDA general manager Jojo Garcia?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *