Sunday , December 22 2024

Kailan ba naging totoo ang SOCE?

KAMAKAILAN ay nagpaalala at nagbanta ang Commission on Elections (Comelec) at Department of the Interior and Local  Government (DILG) sa mga tumakbong kandidato na mabibigong ipasa ang kanilang Statement of Contributions and Expenses (SOCE) hanggang sa deadline nito sa 13 Hunyo 2019.

Sa mga nanalong kandidato na hindi makapagpapasa nito, manga­ngahulugan umano ito na hindi sila makauupo sa puwesto.

Habang ang mga talunan na hindi makapagpapasa ng SOCE ay mahaharap sa asunto. 

‘Yun bang tipong olat ka na, tumosgas pa, at dahil hindi nakapagpasa ng SOCE ‘e maasunto ka pa.

Naniniwala naman tayo na dapat talagang mag-ulat ang mga kumandidato.

Pero dapat ay mag-ulat nang tama at totoo.

Iuulat kaya ng mga kandidato ang totoo kung sino-sino ang nag-finance sa kanilang kandidatura?! Magkano ang kanilang nalikom? Magkano ang tunay na gastos at magkano ang naisubi?!

‘Yung tunay na gastos sa kampanya alinsunod sa itinatakda ng batas, nasusunod kaya ‘yan?!

Sa dami ng naghambalang na tarapaulin, mga poster, pag-upa sa iba’t ibang entertainment groups na kinakaray ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya, TV ads at iba pa, tingin ba ninyo ay maliit lang ang ginastos ng mga kandidato?!

Ultimo nga ‘yung mga tipong nuisance candidate lang na naaprobahan ng Comelec, gumastos din — at hindi barya ang tosgas nila.

Sa local elections nga lang, ang laki ng gastos ‘e di lalo sa national kagaya ng mga congressman at senador.

Subukan nilang mag-ulat nang tama, tiyak na diskalipikasyon ang kalalagpakan nila dahil sa overspending.

Kaya sa palagay ba ninyo, e mag-uulat nang tama ang mga kandidatong nanalo at natalo?!

Simple lang ang punto natin. Huwag sanang mabuhay sa kasinungalingan ang Comelec at huwag nila hayaang maging sinungaling din ang mga kandidato.

Baguhin nila ang guidelines, ‘yung angkop at malapit sa katotohananan, ‘di ba Spokesman James Jimenez?!

E parang niloloko naman ninyo ang sarili ninyo, Mr. Spokesman.

Kilitiin n’yo nga kami nang matawa naman kami.

Hik hik hik…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *