Friday , November 22 2024

NAIA T-1 terminal head todo-suporta sa Immigration

MAGANDA ngayon ang “rapport” ng kasalukuyang terminal manager ng NAIA Terminal 1 na si Ms. Irene Montalbo sa kasalu­kuyang BI Terminal 1 Head na si Cecil Jonathan Orozco at Deputy niyang si Vincent Bryan Allas.

Lahat daw ng requests ng Immigration ngayon sa naturang terminal manager ay napagbibigyan lalo na kung ikagaganda at ikaaayos ng sistema ng operations sa airport.

Kung dati raw ay aabutin ka nang siyam-siyam bago sila mapagbigyan sa kanilang mga kahilingan, dito kay Ms. Montalbo ay mabilis pa sa lipad ng mga eroplano kung umaksiyon ang naturang manager ng NAIA 1.

Gaya na lang ng mga karagdagang TV monitors sa area na magiging madali para sa immigration officers at pasahero na makita ang schedule ng ongoing flights, pati raw nameplates na dapat ay sagot ng mga empleyado ng BI ay tuluyan na rin sinagot ni Bb. Montalbo.

Tunay nga namang kaaya-aya kung ganitong klase kabilis umaksiyon ang isang “bossing” ng paliparan.

‘Di tulad ng ibang airports sa Filipinas na mismong mga immigration terminal heads pa ang kinakailangan mag-provide ng gamit sa kanilang opisina na dapat sana ay sagot ng pangasiwaan ng CAAP.

Diyan lang sa Kalibo International Airport, saan ka nakakita na kahit mga immigration counters ay terminal head pa ng BI ang nagpa­pagawa gayong dapat ay sagot ito ng pamunuan ng CAAP.

Susmaryosep!

Balita natin kahit nga raw electric fans para sa mga pasahero at mga silya sa counters ay sariling sikap din ng immigration doon?!

Sus ginoo!

Sabagay kahit nga ang konstruksyon ng airport sa KIA ay tuluyan din natengga?!

Sana naman ay dumami pa ang gaya ni Ms. Irene Montalbo sa lahat ng airports sa Filipinas!

Saludo po kami sa inyo, Madam!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *