Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Magic 12 senators iprinoklama na

KAHAPON  pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang Magic 12 senators  na inihalal ng sambayanan nitong nakaraang 13 Mayo 2019.

Sila ang 12 senador na magtatagal hanggang sa 2025.

Siyempre pinangungunahan ‘yan ng bilyonaryong si Senadora Cynthia Villar.

Sumundo ang independent na si Senator Grace Poe.

Pangatlo si dating SAP Bong Go, sumunod ang nagbabalik na si Senator Pia Cayetano, ang bagitong si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, reelectionist Sen. Sonny Angara, ang nagbabalik din na si ‘pinunong’ Lito Lapid, dating Ilocos Norte governor Imee Marcos, dating political adviser Francis Tolentino, reelectionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel at nagbabalik din na si Ramon “Bong” Revilla Jr., at reelectionist Nancy Binay.

Congratulations po sa inyong lahat.

Ngayong proklamado na kayo, malamang marami sa inyo ang magpapahinga muna lalo na ‘yung hindi na-enjoy ang summer dahil todo-kampanya.

Hindi na nakapagtataka kung ang susunod ninyong status sa social media ay nasa mga banyagang lugar na kayo.

Anyway, hinay-hinay lang po sa pagba­bakasyon baka pagbalik ninyo ‘e bigla kayong ma-dislocate at ma-disorient lalo’t kumbaga sa hapag kainan, maraming pusang galang nag-aabang sa ibaba.

Kamukat-mukat ninyo e wala na kayong hawak na ‘kumita’ ‘este committee.

Again, congratulations Magic 12!

 

RESORT CASINO
‘BET’ NG VILLARS

HINDI pa man naipoproklama, pumutok na nitong nakaraang araw na pabor si Madam Cynthia Villar sa pagpasok ng mga investor para sa pagtatayo ng resort casino.

Pero mukhang hindi na kailangan ng mga Villar ng iba pang investors, kayang-kaya na nilang negosyohin ‘yan.

Heto lang po ang tanong natin, hindi ba’t ayaw na nga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng casino lalo na sa Boracay?!

E bakit ngayon pumuputok na ito ang proyekto ng mga kompanya ng mga Villar?!

Kung sabagay, may kasabihan  ‘di ba, what Villar wants, Villar gets.

“What are we in power for” nga naman?!

May business mogul, may cabinet member, may congressional members — both regular district and party-list, plus senator.

E matatanggihan ba sila ni Madam Didi Domingo kapag nag-request ng resort casino?!

Jackpot na jackpot!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …