Thursday , December 26 2024

Gustong mamakyaw ng puwesto? NYC Chair Ronald Cardema baka makadena sa karma

IBANG klase rin talaga itong si National Youth Commission (NYC) Ronald Cardema.

Para siyang adik na haling na haling puwesto.

Wala namang masama kung sariling bulsa niya ang binubutas niya.

Ang siste, siya ang kasalukuyang chairman ng NYC, at pinaniniwalaang ‘nagagamit’ niya ang pondo ng ahensiya para sa kampanya ng Duterte Youth Party-list na ang first nominee ay kanyang misis na si Ducielle.

Paano nangyari ‘yun?

Nitong nakaraang 12 Mayo, eleventh hour na naghain ng substitution si Cardema kapalit ng kanyang misis sa Duterte Youth party-list bilang first nominee.

Eleventh hour talaga ‘yan dahil kinabukasan, 13 Mayo ay eleksiyon na.

Mayroong dalawang argumento: una, naghain ng substitution si Cardema sa Commission on Election (Comelec) nang hindi nagre-resign sa NYC.

Iba pa ang usapin kung papaboran ng Comelec ang petisyon nilang substitution.

Ibig sabihin, nanatili siyang chairman ng NYC habang naghahangad na maging first nominee ng Duterte Youth party-list.

Ikalawa: may intensiyon pala siyang mag-party-list e bakit hindi pa nag-resign agad sa NYC?

Marami tuloy ang nag-iisip na mukhang ginamit ni Cardema ang pondo ng NYC para sa kampanya ng Duterte Youth Party-list.

Kaya walang ipinag-iba si Cardema sa mga politikong ang ginagamit na prinsipyo ay weder-weder lang.

At higit sa lahat, kapag nasa kusina, asahan ang dalawang bagay: malapit ka sa grasya o kaya’y lagi kang mauulingan.

Alin sa dalawa ang nangyayari ngayon kay Cardema?!

Pero ang sabi ng matatanda, ang suwapang sa puwesto sa gobyerno, tiyak na makakadena sa karma.

At mukhang nag-uumpisa na ‘yan, dahil mukhang hindi alam ni Cardema, na ang kalipikadong kinatawan ng Duterte Youth party-list ay hanggang 30 anyos lang.

‘E 33 anyos na siya?! Papasa pa kaya ang petisyon niya sa Comelec?

At ngayong nabisto na rin ng Malacañang na ‘iniwanan’ niya ang kanyang puwesto sa NYC bilang tagapangulo, makabalik pa kaya siya?!

Tsk tsk tsk…

Sana’y laging natatandaan ni Cardema ag kasabihan: “Ang naglalakad nang matulin kadalasan kung matinik ay malalim.”

‘Yan ang tunay na kadena sa karma ni Cardema.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *