Monday , December 23 2024

Flexible time sa trabaho aprobado sa Senado

INAPROBAHAN ng Senado ang panukalang batas na layong gawing “flexible” ang araw at oras ng trabaho ng mga manggagawang Filipino.

Sa botong 17-0, ina­probahan ang bill na inihain ni Sen. Joel Villa­nueva. Isa ito sa mga panukalang batas na tinalakay ng Senado sa unang araw ng sesyon nitong Lunes matapos ang eleksiyong 13 Mayo.

Sa ilalim ng bill, puwe­de huwag sumunod ang empleyado sa sche­dule na 8-oras sa 5 araw sa isang linggo.

Maaari nang magka­roon ng “mutually agreed voluntary work arrange­ment” sa pagitan ng employer at empleyado.

Makapipili ang mang­ga­gawa ng trabaho na mahabang oras pero mas kaunting araw basta ma-meet ang kailangang oras ng trabaho sa isang linggo na kalimitan ay 40 oras.

Pinagtibay ng Senado ang 48-hour labor limit kada linggo habang dapat mapanatili ang umiiral na benepisyo kahit mabago ang work schedule.

“Compressed work­week arrangement will not only reduce cost of work transit, but will also enable employees to allocate more time for other personal and social obligations, thus further promoting work-life balance,” nakasaad sa bill ni Villanueva.

Aprobado na rin ng Kamara ang naturang bill at pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duter­te ang kulang para maging ganap na batas.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *