Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa away ng mag-asawa… Puwet ni misis nalapnos sa sinaing

NALAPNOS ang puwet ng isang babae nang mapaupo sa kaldero ng bagong lutong sinaing sa gitna ng pag-aaway nila ng kinakasama sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Ginamot sa Valen­zuela City Medical Center (VMC) ang biktimang si Lucy Mallari, nasa hus­tong gulang, residente sa #17 Pacheco Drive, Brgy. Dalandanan ng nasabing lungsod.

Kasong  frustrated homicide   ang kinaka­ha­rap ng live-in lover nitong si Rollie Masing Malana, alyas Lando, sanhi ng pananaksak sa kinaka­sama.

Dakong 7:20 pm, nagtalo ang suspek at biktima dahil sa selos at  nagsalita ang lalaki na papatayin ang bebot ngunit ipinagkibit-balikat lamang ito ng biktima.

Lingid sa kaalaman ng babae, armado na ng patalim ang suspek at pagharap niya rito ay itinulak ng biktima dala ng pagkabigla ngunit siya naman ang nawalan ng panimbang at lumagpak ang puwet sa umuusok na kaldero ng bagong lutong sinaing.

Nang naghihiyaw sa hapdi ang biktima at inundayan pa ng saksak ng suspek na tinamaan sa hita hanggang magbuno ang dalawa at maa­gaw ng babae ang pata­lim.

Itinapon ng babae ang patalim saka huma­hangos na humingi ng tulong na nagresulta sa pagkaaresto ni Malana.

ni ROMMEL SALES

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …