Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

8 arestado sa buy bust

ARESTADO ang walong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa mag­kahiwalay na buy bust operation ng mga pulis sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

Ayon kay Malabon police SDEU investigator P/MSgt. Jun Belbes, da­kong 12:30 am nang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Zoilo Arquillo sa buy bust operation si Fredie Payad, 48, at Mario Cabatingan, 42, matapos magbenta ng shabu na nagkakahalaga ng P300 sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Narekober sa mga sus­pek ang anim pang plastic sachets ng hinihi­nalang shabu at buy bust money habang nadakip din si Roderick Perez, 46, matapos makompiska sa kanya ang dalawang plastic sachet ng hinihi­nalang shabu.

Sa Navotas City, nasakote rin sa ikinasang buy bust operation ng mga pulis si Ariel Santia­go, 23, pusher, Crizardy Sarabia, 26, pusher at Jonald Bautista, 22, user, sa Market 3, Brgy. NBBN, dakong 11:15 pm.

Batay sa pinagsa­mang ulat nina P/Cpl. Jaycito Ferrer at P/Cpl. Eldefonso Tirio, nareko­ber sa mga suspek ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu at P300 buy bust money.

Timbog din si Roy Rodil, 21, matapos magbenta ng shabu na nagkakahalaga ng P200 kay Pat. Richard Gatan na umaktong poseur buyer sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Eric Roxas sa R-10 Road, Peskador Brgy. NBBN.

Tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money ang narekober sa suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …