KAPAG napadpad po kayo sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City (Pampanga), mai-imagine ninyo ang mga napakamurang garments and apparel sa Taytay, Rizal.
Pero sa Clark po, hindi garments and apparel ang bagsak presyo — kundi ang ‘pamamasahero.’
Ano po ang ibig sabihin nito?
Ang CIA daw po kasi ngayon ang paboritong ‘bagsakan’ ng tourist workers, Bombay nationals, at mga GI (as in genuine intsik).
Ayon sa mga ‘nakapupuslit’ na impormasyon mula sa ‘vault’ ng mga ‘human trafficker’ diyan sa CIA, mahina ang P20 hanggang P40 mil isang tao basta bultohan ang mga pasahero.
Wattafak!?
P20-25k kada ulo sa Pinoy tourist workers at 40k naman kada turban.
Para palang ‘pakyawan’ talaga!
Malakas ang higing na ‘yung BI Clark head supervisor na isang Joseph Cuison ay ‘made na made’ na?
Totoo ba?
Talagang nakagugulat!
Siyempre ganoon din ang namamayagpag na ‘human trafficker’ diyan sa CIA na may mansion na may magagarang SUVs pa…
Wattafak!?
Ilang Bombay, GI at tourist workers kaya ang ‘nagtulong-tulong’ para maipatayo ‘yang ‘mansion’ na ‘yan at mairampa ang magagarang SUVs?!
Commissioner Jaime Morente Sir, mukhang ikaw na lang ang hindi nakaaalam na araw-araw ay parang piyesta ang mga pasahero riyan sa CIA.
Kailan mo kaya maasasampolan ang mga namamayagpag na human trafficker diyan sa Clark?!
Mahirap na po, Commissioner Morente kapag ikaw ang naisampol ni Pangulong Digong!
Aksiyon na!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap