Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

800-M views sa YouTube… Kadenang Ginto tuloy ang paghataw sa hapon at patuloy na inilalampaso ang katapat na show

Patuloy ang walang sawang suporta ng mga manonood sa mga nakagigigil na eksena nina Beauty Gonzales, Francine Diaz, Andrea Brillantes, at Dimples Romana ng “Kadenang Ginto” kaya naman nananatili sa trono bilang pinakapinapanood na serye sa hapon  at mainit na pinag-uusapan sa social media.

Hindi natinag sa national TV ratings ang programa at kamakailan ay humataw ito sa all-time high rating na 27.3%, at araw-araw na nananatili sa 20%-mark, ayon sa datos ng Kantar Media.

Bukod sa telebisyon, malaking tagumpay din ang natatamasa ng serye sa online world dahil umabot na sa higit 800 million ang total views ng daily high-lights nito sa YouTube, na ang bawat video ay pumapalo sa higit isang milyong views.

Marami rin ang pilit na humahabol sa past episodes ng serye dahil ito ang most watched program ng iWant para sa buong buwan ng Abril, na pumapalo naman sa 1.5 million ang daily views araw-araw.

Walang humpay din ang pagsulpot ng sari-saring memes tungkol sa serye na lubos na kinatutuwaan ng netizens. Marami rin ang gumagaya sa tarayan ng mga eksena ng palabas, tulad ng vlogger na si Kyo Quijano sa pag-upload niya ng parody series na “Kadenang Tanso,” na tumabo nang higit sa isang milyong views ang dalawang episodes.

Isang pagkilala ang natanggap ng “Kadenang Ginto” matapos gawaran bilang Best Daytime Drama Series sa 2019 Golden Laurel Awards ng Lyceum of the Philippines-Batangas dahil sa pamamayagpag ng serye at mahusay na pagganap ng mga karakter nito.

Samantala, mas marami pang pasabog ang serye na gugulat at lalong magpa­pakapit sa mga manonood tuwing hapon sa mas makapigil-hiningang eksena ng mga mag-iina. Nagbibigay ng bagong timpla sa palabas ang pagpasok ng dating PBB Otso house­mate na si Seth Fedelin. Mula sa tagumpay ng Kadenang Ginto, inilulunsad din ng Dreamscape Entertainment ang The Gold Squad nina Francine, Kyle, Seth, and Andrea – apat na teenagers na masayahin, respon­sable, masipag at mapagmahal sa pamilya na iba’t iba ang pinagmulan, kinalakihan, at pinagdaanan sa buhay.

Maglulunsad ang The Gold Squad ng sari-saring proyekto na magdadala ng saya at makare-relate sa kanilang batang fans, kabilang ang sarili nilang album sa ilalim ng Star Music.

Saan nga ba hahantong ang tapatan ng mag-iinang Mondragon? Panoorin ang “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …