Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shamaine, may pinagseselosang aktres; Nonie, pinagbawalang makipaghalikan

CURIOUS ang mga dumalong print media at bloggers sa presscon ng Sunshine Family kung sino ang aktres na pinagselosan ni Shamaine Buencamino, asawa ni Nonie Buencamino nang madulas siyang sabihin na kabilin-bilinan niya sa asawa na sana hindi sila magka-trabaho ng nasabing aktres.

Tumatawang sabi ni Shamaine,”noong mga panahon na seloso’t selosa pa kami, sinasabi ko talaga sa kanya (Nonie), pero never naming pinigilan ang isa’t isa na magkaroon ng kissing scene, pero may pinipili lang ako na huwag doon, ha, ha, ha. May aktres na ‘wag doon, ha, ha, ha. Pero siyempre (hindi maiiwasan), kaya may shock pa rin ako, ha, ha, ha. Siyempre ‘di ba, ayaw mo rin na ang mahal mo sa buhay may ibang katsuktsakan, ha, ha, ha, ha, nakaka-shock pa rin.”

Sinubukang tanungin ang beteranang aktres kung sino pero hindi na nito sinagot pa. Hmm, bigla tuloy kaming napa-research kung sino-sinong aktres na ang nakatrabaho ni Nonie na ayaw ni Shamaine.

Maging si Nonie ay umaming ayaw din niyang may ibang kahalikan ang asawa pero kung hindi maiiwasan ay okay lang.

Sa loob ng 29 years (May 28) na pagsasama nang mag-asawa ay hindi naman sila humantong sa matinging away, may mga tampuhan, diskusyon na hindi maiiwasan pero kaagad naman itong napag-uusapan at naayos.

Sa tagal na nilang artista ay sa pelikulang Sunshine Family na produced ng Spring Films at Film Line Pictures Productions lang sila nagkasama bilang mag-asawa.

“Never pa sa pelikula, this is the first time,” saad ni Shamaine.

Mas nagkakasama sila sa mga teleserye at stage plays na nabuo ang kanilang relasyon.

“Sa stage play na Florante at Laura kami nagkaroon ng (relasyon), kasi ilang gabi rin kaming nagkasama roon, stage manager ako, siya kapatid siya ng aktor,” kuwento ng beteranang aktres.

Bagama’t sa Seoul at Yangpyeong Country kinunan ang pelikulang Sunshine Family na idinirehe ni Kim Tai Sik ay hindi ito mapapanood sa Korea pero isasali ito sa ibang film festivals base sa kuwento ni Nonie.

At ang ipalalabas sa Pilipinas ay ang director’s cut naman ni Binibining Joyce Bernal.

Kaya abangan ang pelikula sa Hunyo 5 at may premiere night ito sa Hunyo 4 sa Trinoma Cinema na dadaluhan ng Korean actors na nakasama nila sa pelikula. Bukod kina Nonie at Shamaine ay kasama rin sina Sue Ramirez at Marco Masa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …