PERFECT!
Perfect ang kapalpakan ng vote counting machines (VCMs) na ginamit sa nakaraang mid-term elections nitong nakaraang Lunes, 13 Mayo.
As usual, service provider po ng VCMs na ginamit nitong mid-term elections ang walang sawa sa ‘perfect’ na kapalpakan — ang Smartlintik ‘este Smartmatic.
Talaga namang sa mga eleksiyong nagdaan na kinuha ng Commission on Elections (Comeelc) na service provider ang Smartmatic, ‘e talagang awtomatik ang pagiging limatik!
Wattafak?!
Paanong hindi natin tatawaging limatik, e sa totoo lang hindi naman gagalaw ang Smartmatic kung hindi naaprub ang buong proyekto at siyempre ang buong pondo na lumalabas na mahigit sa P10 bilyon.
Sabi nga ng mga eksperto, laway lang o baryang-barya lang ang puhunan ng service providers para makakuha ng bilyon-bilyong kontrata sa gobyerno.
Sabihin na nating nag-effort rin naman sila para makakuha ng proyekto — pakape-kape, dinner, at pa-travel, etc.
Heto ngayon ang walang kapantay na kabuwisitan…
Mantakin ninyo, tatlong taon ang pagitan ng mga eleksiyon na ginaganap sa ating bansa. Kumbaga, napakahaba ng panahon na ‘yan para ma-check at ma-test ang mga VCM para masiguradong hindi magiging palpak ang performance sa araw ng eleksiyon.
Kasama sa checking at testing na ‘yan ang temperature ng lugar na paglalagakan at kung hanggang ilang balota ang kayang basahin bago mag-break para matiyak lang na hindi papalpak ang VCMs.
After ng checking and testing, saka magkaroon ng dry-run. Puwedeng gawin ‘yun ‘di ba, para lang maging perfect ang performance ng VCMs?
Pero mukhang may matinding kapabayaan dito, kaya ang nangyari ang ‘kapalpakan’ ng VCMs ang naging ‘perfect’ hindi ang performance sa bilangan ng balota.
Bago mag-eleksiyon, ang pahayag ni Comelec spokesperson Balbas Barabas ‘este James Jimenez, corrupted daw ang SD cards kaya kinailangan nilang magpalit.
Pero noong aktuwal na eleksiyon na, nag-overheat naman daw ang VCM kasi mainit ang poll precincts na pinaglagakan.
Nang tanungin ng isang reporter kung bakit ang mga palpak na VCM ngayon ay naging tatlong ulit ang dami kompara noong 2016, ganire ang sagot ni Balbas Barabas, “That’s a good question, and we will have to figure that out. But in order to figure that out, we’re going to have to have access to the machines that have been taken out of commission.”
Sonabagan!
Ganoon lang kasimple ang sagot with matching kapalmuks.
E kasi nga kada eleksiyon ganyan na ang sakit, e bakit hindi man lang naisip at gumawa ng paraan ang Comelec na tiyaking hindi na mauulit ang mga kapalpakan?!
Bakit paulit-ulit?!
Bakit sa ibang bansa sa Asia gaya ng Taiwan, Japan, Thailand at iba pa, napaka-smooth ng eleksiyon gamit ang mga machine na magpapabilis ng proseso at pagbilang ng mga boto?!
Hindi ba talaga kaya ng Comelec na makapaglunsad ng eleksiyon na ‘hindi pagdududahan’ ng mamamayan ang kredebilidad?
‘Yun bang paglabas ng resulta ng eleksiyon ‘e hindi mag-iisip ang mga constituent na ‘nanakaw’ ang boto nila?!
‘Yun bang walang pagdududa!
Wala na ba talagang gagawing matino ang Comelec pagdating sa exercise ng ating ‘right of suffrage?’
Pagboto na lang nga ang ‘katititing’ na kapangyarihan ng mamamayan, nakukuha pang nakawin ng kaburaraan ng Comelec at ng kakontrata nilang service providers.
Kung depektibo, bakit ipinipilit pa ring gamitin?!
Kung defective ‘wag nang ipilit — itapon na!
Huwag nang i-refurbish or i-recondition, itapon na!
At ‘yung mga nanggugulang na service providers, ipakulong!
‘Yun lang!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap