Thursday , December 26 2024

Pekeng OEC babantayan ng BI

MARIING ipinag-utos ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa lupon ng Immigration Officers sa lahat ng paliparan ang ibayong babala tungkol sa pakiki­pagsabwatan sa ilang sindikato na gumagawa ng pekeng Overseas Employment Contracts (OEC) at iba pang dokumento sa pagpapaalis ng overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ay matapos makatanggap ng report ang pinuno ng ahensiya na isa na namang babaeng OFW ang pinigilang umalis ng bansa matapos magpakita ng pekeng OEC ganoon din ang clearance galing sa Philippine Overseas Employment Authority (POEA).

Ang nasabing Pinay ay nakatakdang umalis patungong Dammam, Saudi Arabia sakay ng Philippine Airlines. Agad hinarang ang naturang pasahero ng mga miyembro ng BI-Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa NAIA Terminal 1.

Ayon kay Morente, mahirap nang makalusot ngayon ang ganitong klaseng modus dahil sa database ng ahensiya ay puwede nang ma-verify ang authenticity ng dokumento dahil naka-link na mismo sa opisina ng POEA.

Iniulat na noon lang nakaraang Semana Santa, 14 ang napigilang umalis sa airport matapos madiskubre na puro peke ang dala-dalang OEC at POEA clearances ng ilang OFWs.

Sinabi ng Commissioner na hindi basta titigil ang mga sindikato na pagsamantalahan ang kahinaan ng mga kababayan nating Filipino. Magpapatuloy ang ganitong modus hangga’t may nalilinlang sila.

“Walang manloloko kung walang magpa­paloko!” dagdag pa ni Commissioner Morente.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *