Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessa Laurel hindi nagmamadali sa kanyang showbiz career (May sarili kasing negosyo)

Kahit alam niyang may looks, matangkad at may talent ay hindi ganoon ka-atat si Jessa Laurel na makamit agad ang kasikatan. Basta chill and relax lang ang aming alaga na kung ano ‘yung dumating na opportunity na makatutulong for her career ay kanyang iga-grab.

Siguro dahil at her young age ay binigyan na si Jessa ng sarili niyang negosyo ng kanyang

very supportive Mom na si Madam Jovy Laurel sa Atimonan, Quezon na katabi lang ng kanilang gasoline station.

At pagdating sa negosyo niyang Nuni Creatives Agency ay mahusay dumiskarte si Jessa na madaling makakuha ng client na siguro ay namana niya sa kanyang Mommy Jovy na magaling humawak ng business.

Samantala tulad ng ilang sikat nating local singers nga­yon na natuklasan sa mga Talent Search sa malalaking TV networks ay nasubukan rin ni Jessa na mag-audition pero parang hindi niya destiny ang makuha rito.

Pero hindi naman niya isinasara ang kanyang pinto sa mga ganitong oportunidad lalo’t Bronze medallist siya sa WCOPA. Goal talaga ng aming talent na may marating siya sa showbiz dahil hangad talaga niyang makatulong sa less fortunate people na hindi napapansin ng ating gobyerno.

At itong gagawing CD Lite album ni Jessa ang isa sa magiging way para makilala siya sa showbizness.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …