Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Confidant ni Boy Abunda na si Philip Rojas etsapuwera raw sa Alden-Kathryn movie (Sa kabila ng lahat nang effort)

Now, I know na kung bakit pa-joke kaming sinagot ni kapatid na Philip Rojas na wala siyang GC ng Mcdo nang i-text namin na i-treat naman niya kami sa aming birthday sa McDonalds na ineendoso ng kaibigan niyang matalik na si Alden Richards na may sarili na rin franchise sa Biñan, Laguna.

Kasi pala, ayon sa impormante na tumawag sa aming cellphone ay may tampo raw ngayon ang kilalang confidant o assistant ni kuya Boy Abunda na si Philip sa Star Cinema at kay Alden.

Nag-ugat raw ito sa deal ni Alden sa Star Cinema para sa movie nga nila ni Kathryn Bernar­do na “Hello, Love, Goodbye” na si Philip ang naging middle man.

Yes siya (Philip) ‘yung nag-fave ng way para makausap ng mga taga-Star Cinema si Alden na gusto talaga nilang makuha para sa project. Noong series of meeting ay madalas na kasama si Philip dahil siya ang may access kay Alden. At never raw inabutan si Philip ng kahit panggasolina lang ng Star Cinema executives puro pakain lang daw. ‘Di ba dapat, may komisyon at siya naman ang nakapagsara ng deal?

Tapos nang mag-start nang mag-shooting sina Alden at Kathryn sa Hong Kong ay biglang etsapuwera na raw si Philip samantala matagal na palang dream ni Alden na makagawa ng movie sa Star Cinema.

Kumbaga sa pamamagitan ng nasabing assistant ni Kuya Boy ay natupad ang biggest dream ng actor at binayaran pa siya nang milyon. Naikuwento ni Philip sa aming informant na malalim na ang pinagsamahan nila ni Alden at alam ito ng dating manager na si Carlites, na struggling days pa lang ng actor sa showbiz ay nandyan na siya at muntik-muntikan na raw makapasok noon sa Pinoy Big Brother house at ipina-audition sa active pa noong Backroom Inc., at nakuha naman.

Bukod sa may dignidad, hindi raw talaga tipo ni Philip ang mag-emote kay Alden. Pero sa puntong ito, na siya ang nakapag-shot ng deal sa Star Cinema siguro naman ay may karapatan na raw si Philip na maabutan man lang ng biyayang galing sa puso ni Alden.

Kilalang mabait si Alden at may puso at namimigay nga siya ng cash at mamahaling furniture set sa ka-close na reporter, kay Philip pa kaya na nasa tabi na niya noong mga panahong walang-wala siya?

Siguro dahil kanya nang nakasanayan na hindi humihingi sa kanya si Philip, ang isip niya ay mayaman na. Oo hindi siya poor pero hindi rin naman siya kasing yaman ng boss niyang si Kuya Boy at may mga tinutulungan rin naman. Saka inimbita raw ba ni Alden na bisitahin siya sa Hong Kong at sasagutin ang hotel accomodation with matching pocket money?

‘Yan daw ang hindi naikuwento ni Philip sa ating source. Well sana maging maayos na ang lahat at nadadaan naman ito sa mabuting usapan.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …