Thursday , December 26 2024

Taguig mayoralty bet sinampahan ng patong-patong na kaso

PATONG-PATONG na kaso ang isinampa ng isang anti-corruption watchdog laban kay Taguig-Pateros Rep. Arnel Cerafica dahil umano sa mga iregularidad na gawain nito noong panahon ng panunungkulan sa gobyerno. 

Mga kasong korupsiyon at graft ang isinampa ng Hukbong Laban sa Katiwalian sa Ombudsman noong Huwebes, 9 Mayo. 

Ayon sa grupo, ang patong-patong na kaso ay bunga ng pag-aaproba noon ng nakaupong Mayor Freddie Tiñga sa mga resolusyon na pumapabor sa ACER Industries na kung minsan ay limang beses pa kung mangyari sa isang taon.

Base sa General Information Sheet na isinumite sa Securities and Exchange Commission, si Cerafica at ilang miyembro ng pamilya ay pawang mga opisyal at stockholders pa ng kompanya. 

Isa sa mga proyekto nito ay umabot pa nga ng tumataginting na P7,143,233.13, ayon pa sa grupo. 

“Maagang nagsimula ang kanyang career sa katiwalian,” dagdag ng grupo. 

Anang grupo, si Cerafica ay isa sa mga kongresista na humiling ng P120 milyon sa Road Board bago i-abolish ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa katiwalian. 

Dagdag ng grupo, ayon sa report mula sa Department of Budget and Management at Commission on Audit, si Cerafica ay kabilang umano sa mga prominenteng kongresista na nag-sponsor ng korupsiyon sa Technical Education and Skills Development Authority, na umano ay nagbibigay ng grants sa mga kahina-hinalang technical vocational institutes at nagsasagawa ng “overpriced seminars.”

Binigyang diin ng grupo ang tila magarbong pamumuhay ni Cerafica na ayon sa kanila ay mayroong mansiyon na may swimming pool sa Taguig, isang bahay bakasyonan sa Estados Unidos, speedboat, at mga mamahaling sasakyan at alahas. 

Ayon sa grupo, madalas na nasa ibang bansa ang mga miyembro ng kanyang pamilya. 

“Kung ila-lifestyle check si G. Cerafica, siguradong lagpak siya sapagkat ang kaniyang ari-arian at gastusin ay hindi maaaring mang­galing lamang sa kaniyang sahod bilang empleyado ng gobyerno,” saad ng grupo.

Nabanggit rin ng grupo ang umano’y asosasyon ni Cerafica sa kilalang drug pusher sa Taguig na si Bokbok Carlos.

Ayon sa grupo, makikita sa isang Facebook post ni Carlos na nakangiti habang hawak ang limpak-limpak na salapi, katabi si Cerafica, na tila kumukuha ng pera sa isang sako. 

“Kung bakit may kakayahan si G. Cerafica na mamili ng mga boto ay maipapaliwanag lamang ng mga katiwaliang ginagawa niya sa gobyerno. Ang masama rito, nagsama na ang ‘maruming pera ng droga’ at maruming pera ng kuropsiyon,” dagdag ng grupo.

“Kung kaya’t kami’y humihiling na inyong imbestigahan si Cong. Cerafica kasama ang kaniyang pamilya,” dagdag ng grupo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *