Saturday , November 23 2024

L-ingkodbayang I-nyong M-aaasahan (LIM) papatok sa eleksiyon

ABA’Y mga ‘igan, papalapit nang papalapit ang eleksiyon 2019. Ilang araw na lamang ay aarangkada na at sino-sino kaya sa kanila ang tiyak na patok sa takilya? Bagamat paspasan, walang tigil sa pangangampanya, ilang araw bago mag-eleksiyon, ang mga kandidato’t kandidatang trapo ‘este politiko sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno, aba’y siyempre ang mga lingkod bayan na talaga namang inyong maaasahan ang dapat na suportahan, iboto at iupo sa pedestal.

Kahapon lang mga ‘igan, dumating ang ‘voting counting machine’ sa Quirino Grandstand sa Maynila na galing sa warehouse ng Comelec. Bantay sarado ng mga pulis mga ‘igan. Ngunit kakaiba umano ang eksenang nangyari sa pagdating ng mga ballot baxes partikular sa Manila City Hall kamakailan lang.

Naging palaisipan mga ‘igan ang nangyaring pagkawasak umano ng sealed ng Comelec sa nasabing truck, lulan ang ‘ballot boxes’ na hatinggabi dumating at tinanggap sa Manila City Hall.

OMG!

Maging mapagmatiyag sa lahat ng oras lalo sa panahon ng eleksiyon. Higpitan pa ang pagbabantay ng Comelec! Huwag hayaang makapandayang muli ang mga tiwaling politikong pulpol na tumatakbo upang makapangurakot sa kaban ng bayan.

Tulad sa Maynila, kinakailangan ang isang Lingkod- bayang Inyong Maaasahan sa lahat ng sandali. Ang “Ama ng Libreng Serbisyo,” si dating Mayor Alfredo S. Lim na may planong maglagay ng “Super Health Centers” sa anim na distrito ng Maynila, sampu ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga ospital na ipinatayo nito sa iba’t ibang distrito noong panahon ng kanyang administrasyon.

Idagdag pa mga ‘igan ang umiiral na 59 barangay health centers na itinatag din lahat sa kanyang panahon ng pamumuno. O, saan ka pa mga ‘igan? Dito na sa Lingkodbayang Inyong Maaasahan (LIM).

Sa PNP na gagamit ng modernong teknolohiya at pasilidad para sa magbabantay sa eleksiyon 2019…

Good Luck po!

 

BIKOY BUKING

NAGKAGULO ang sambayanan sa paglantad ni ‘Bikoy’ na nagpakilalang isang dating miyembro ng drug syndicate at lumalabas sa isang serye ng online video na “Ang Totoong Narcolist” na nagbibintang na sangkot umano sa kalakalan sa droga ang pamilya ni Pangulong Rodrigo “Ka Digong” Duterte.

Sa pangyayaring ito mga ‘igan, idinawit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang Liberal Party at Magdalo sa pagpapakalat  ng Video ni Bikoy. Ganoon pa man, mariing itinanggi ng Liberal Party, maging ni Sen. Antonio Trillanes na may kinalaman ang Magdalo sa nasabing usapin.

Kamakailan lang mga ‘igan, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na idaraos ang imbestigasyon sa mga alegasyon kay Bikoy sa senado. Ngunit kinansela na ito. Sa background check na isinagawa kay Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, aba’y tuluyang nawasak ang kredibilidad. Dati na pala siyang kinasuhan at nakulong. Sus convicted pala ang ‘mama’ at marami pang kaso.

Hayun…buking si Bikoy, hindi umano pinag-isipang mabuti ang ginawang mga plano. Pero teka, paano na ang mga taong kasabwat o sangkot sa katarantaduhang ito? Aba’y dapat din magbayad at ipatapon sa kangkungan! Bigyan ng leksiyon ng hindi na pamarisan pa!

Abangan ang mga salarin…

BATO-BATO BALANI
ni Johnny C. Balani

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *