Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Panalo ni Alan Peter Cayetano sa Taguig napulsuhan na (Diskalipikasyon ibinasura ng Comelec)

HINDI na nagulat ang marami nang ibinasura ng Comelec ang petisyon na nagdidiskalipika kay dating Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa kanyang pagtakbo bilang representative ng 1st District ng Taguig at Pateros.

Sa resolusyon na inilabas ng Comelec 2nd Division, wala silang nakitang pagkakamali kay Cayetano sa paghahain ng kanyang kandidatura.

Dagdag sa resolusyon ng Comelec, walang maling representasyon sa inilagay ni Cayetano sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) na nakatira pa rin sa 209 Paso Street, Barangay Bagumbayan, Taguig City kahit may bahay siya sa 353-A Two Serendra, Fort Bonifacio, Taguig.

“His domicile remains to be that in Barangay Bagumbayan, which has been his domicile from 1991 up to the present,” saad ng Comelec.

Nasabi noon pa man ng Comelec na walang legal na balakid sa pagtak­bo ni Cayetano maging ang kanyang asawa na si Lani na tumatakbong Congresswoman sa District 2 ng lungsod.

Kaya ngayon wala nang makahaharang pa sa kandidatura ni Cayetano na hangad magserbisyo sa mga taga-Taguig at Pateros.

Siya rin umano ang napupulsohan ni Pangu­long Rodrigo Duterte na maging sunod na House Speaker.

Sinabi ni Alan, simula pa lang noong ihain ang petisyon laban sa kanya at kanyang asawa, “completely legal at moral” ang kanilang pagtakbo.

Boses ng tao ang pinakamahalaga sa isang eleksiyon. Boses na kailangang marinig dahil sila ang naghahalal ng kanilang mga lider. At base sa pulso ng residente ng Taguig, ang mga Cayetano ang kanilang gustong mamuno sa lungsod at ipagpatuloy ang kanilang magagandang programa na totoo namang nag-angat sa pangalan ng siyudad hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ilang araw bago ang halalan, 64 percent ang pinipili si Alan Peter Cayetano bilang congressman sa 1st District ng Taguig-Pateros laban sa kanyang katunggali na si Allan Cerafica na 36 percent lamang. Si Mayor Lani Cayetano din ay milya ang lamang na 76 percent laban sa 21 percent ni Che Che Gonzales. Si Lino Cayetano naman na tumatakbong Mayor ay nakakuha ng 65 percent laban sa 33 percent ni Arnel Cerafica.

Hindi nakapagtataka ang inaasahang landslide win ng mga Cayetano sa darating na eleksiyon dahil sa dami at ganda ng mga proyekto at programa nila sa Taguig sa nakaraang siyam na taon.

Sa pamumuno ni Mayor Lani Cayetano, tumaas nang P675 milyon ang pondo para sa scholarship kompara sa P5 milyon sa nakaraang administrasyon. Mayroon din door-to-door delivery ng mga gamot, saklay, hearing aid at wheelchair sa Taguig. Hindi na kailangan pang bumili o humingi sa City Hall ng mga residente, pamahalaang lungsod na mismo ang lumalapit sa kanila.

Napakarami palang nagawa ng mga Cayetano sa Taguig kaya hindi nakapagtataka na sila pa rin ang gusto ng mga tao na mamuno rito. Hindi maikakaila na sila ang mga lider na gusto ng mga residente na magpatuloy at magdagdag ng mga programa na magpapaunlad sa lungsod at sa mga tao na tumitira dito.

Hindi rin siguro hahayaan ng mga botante ng Taguig na mapasakamay ulit ang lungsod sa kamay ng mga tao na nadadawit sa droga. Nabalita kamakailan na tatlo sa kamag-anak ng mga Cerafica ang nahuli sa drugs sa Taguig. Naku, galit si President Duterte diyan!

Ang mga narcopoliticians ang isa sa mga nakapagpapainit sa ulo ng ating mahal na Presi­dente kaya hindi sila dapat hinahayaan na maluk­lok sa puwesto dahil kawawa ang mga residente.

Pero panigurado naman sa Taguig ay hindi hahayaan ng mga mamamayan ang ganitong klaseng pamumuno bagkus pipiliin nila ang katulad sa mga Cayetano na may may magandang track record sa pagsisilbi sa lungsod.

O wanna bet?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *