Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tsinutsubibo ba ng Sandovals ang Malabonians?

HINDI natin alam kung nagmamalasakit ba talaga ang  mag-asawang Sandoval sa mga taga-Malabon o gusto lang nilang gamiting propaganda ngayong eleksiyon ang pagpapagawa ng San Lorenzo Ruiz General Hospital?

Sabi nga ng ilang observers sa Malabon, parang natutsubibo raw sila sa estilo ng mag-asawang Sandoval.

Dahil eleksiyon daw ngayon, tila ginagamit ng mag-asawang Sandoval ang isyung kinokontra ng pamahalaang lungsod ang pagpapatayo ng San Lorenzo Ruiz General Hospital na ipinagmamalaki nila sa kanilang pangangampanya.

Pero paglilinaw lang po at mahalagang malaman ng bawat mama­mayan, kahit na ano’ng proyekto ng gobyerno, nasyonal man o lokal, kailangan ay may pondo (perang gugugulin ng gobyerno sa pagpapagawa ng proyekto), kontrata (kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng contractor na gagawa ng proyekto), at permit (pahintulot mula sa lokal na pamahalaan para simulan ang paggawa sa proyekto).

Kailangan ang LAHAT nang ‘yan para masimulan ang ano mang proyekto.

Pero ang nakapagtataka dito, ‘drawing’ pa lang daw umano ang proyekto, ‘e nagsagawa na ng groundbreaking ceremony ang mag-asawang Sandoval isinaman pa si Pangulong Rodrigo Duterte, kahit hindi pa aprobado ang panukalang batas na magpapagawa ng San Lorenzo Ruiz General Hospital.

Hindi pa noon aprobado ang pambansang budget na panggagalingan ng pondo para sa pagpa­pagawa ng nasabing ospital sa ilalim ng Department of Health (DOH) mula sa national budget.

Hindi ba’t nitong 8 Pebrero lang isinapinal ng Senado at Kongreso ang panukalang batas na lalagdaan ng Pangulo?

Hindi nga tayo nakatitiyak baka kasama pa ang pondo na ‘yan sa nai-veto ng pangulo.

Ang bottomline lang po, huwag gamitin sa kampanya ang isang proyektong wala pang katiyakan dahil ‘yan ay katumbas ng pambobola at panloloko.

In short, huwag pasakayin sa tsubibo ang Malabonians!

‘TERRITORIAL TENDENCIES’
NG CHINESE NATIONALS
MASYADONG TUMITINDI

PARA palang mga ‘daga’ ang Chinese nationals na namumuhay ngayon sa ating bansa.

Para silang mga ‘daga’ na kapag naihian ang isang lugar ay hindi na puwedeng makapasok ang ibang lahi, ‘yan ay kahit sila ay nasa teritoryo nang may teritoryo.

Gaya ng mga restaurant o food court na ibinunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na pawang Chinese nationals lamang ang tinatang­gap nilang customer.

Aba, malaking insulto naman talaga ‘yan sa ating pagka-Filipino.

Manatkin ninyo, pinapayagan silang mag­negosyo sa ating bansa pero ‘ban’ ang mga Pinoy sa kanilang establisimiyento?!

Balita natin ay hindi lang ito nangyayari sa Las Piñas, sa Parañaque at sa Quezon City.

Nangyayari na rin ito sa Boracay at hindi lang isang establishment kundi marami.

Baka naman isang araw, e mabalitaan na lang natin na mayroong isang kompanya sa Filipinas na ang mga tinatanggap na empelyado ay Chinese nationals lang.

Arayku!

Paging Department of Trade and Industry!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *