PAYBACK time raw para sa mga empleyado ng Customs, Immigration at Quarantine (CIQ) ang darating na eleksiyon!
Pagkakataon nga naman nilang para bumawi sa isang ‘trapo’ na kumakandidato ulit ngayon para senador!
Sino nga naman ang makalilimot matapos niyang ipatupad ang isang “memorandum” na nagpapawalang bisa sa pagbabayad ng airline and shipping fees na pinagkukuhaan ng overtime pay ng mga taga-CIQ nang siya pa ang Secretary ng Department of Transportation and Communications (DOTC)?
Nilagdaan niya ang nasabing memorandum na may petsang 01 Agosto 2012.
Kakutsaba sina dating SOJ Leila ‘De Saba’ este De Lima pati sina former Department of Finance Secretary Cesar Putrisima ‘este Purisima, Florencio Abad at Proseso Alcala ay nagawang suwayin ang batas kapalit ng isang pipitsuging “memorandum” na pinakinabangan nila?!
Kapakanan ng publiko laban sa mga pribadong kompanya ng mga airlines ang nangyari.
So saan pa kayo?!
Kung pagsasama-samahin nasa daang libo ang nakatayang boto na mawawala kung hindi iboboto ang kandidatong senador na nagpapakilalang “ekonomista?!”
Kasama pa riyan ang mga boto ng pamilya, kaibigan at kakilala!
Kung wala kayong pagmamahal sa sarili lalo sa pamilya isama n’yo sa balota sa darating na Mayo!
Paalala ko lang baka nakalimutan n’yo ang pangalan ng signatory sa nasabing memorandum…
Mar posas ‘este Roxas, ang ekonomista, pala ang pangalan.
Huwag ninyong kalimutan maraming kawani ang nahinto ang mga anak sa pag-aaral, nailitan ng bahay at kotse at higit sa lahat maraming nag-resign dahil malaking kawalan sa kanila ang “overtime pay.”
Kayo na po ang bahala mga suki, lalo sa mga naapektohang empleyado sa maraming departamento ng gobyerno.
Iboto ninyo…kung gusto ninyong maulit ang mga bangungot ninyo.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap