Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tony, kinailangang magnakaw para makakain

SA panayam ni Tony Labrusca sa Tonight with Boy Abunda, inamin niyang naging customer niya si Kathryn Bernardo sa isang department store na bumibili noon ng jacket.

Sabi ni Tony kay Kathryn, “’artist ka! I think you’re the actor from the Philippines’ and I think medyo na-weirdohan siya.”

Hanggang sa umalis na ang aktres at patuloy na ikinukuwento ni Tony sa managers niya sa depart­ment store na sobrang sikat si Kathryn sa Pilipinas at hindi niya inakala na pagkalipas ng dalawang taon, “Akalain mo Tito Boy, magiging third wheel pala ako sa ‘La Luna Sangre.’ And naikuwento ko kay Kahtryn pero hindi na niya maalala, I don’t blame her pero it’s really a small world,” balik-alaala ng aktor.

Bukod kay Kathryn, nagbalik-tanaw din si Tony na nong nasa Canada pa siya ay nasubukan niyang mangupit o mag-shoplift sa department store at convenience store.

Kuwen­to ng aktor, “Dati kung kailangan ko ng damit mag­nana­kaw din ako sa store. Kung kailangan ko ng pagkain, lahat ng feeling kong puwede kong nakawin ninanakaw ko.

“Guys, I don’t want to encourage you guys to do this because it’s wrong but at that point in my life I felt my parents couldn’t give me enough for me to survive through the week. I thought that the only way I’m going to eat today is if I steal.”

Hindi naman nahuli ang aktor sa lahat ng ginawa niyang pagnanakaw.

Alam ng aktor na masama ang ginawa niya, “Hindi na po ako nagnanakaw guys. Hindi po ako kleptomaniac!” saad ng aktor.

Nalaman din ng publiko na hindi gumagamit ng deodorant si Tony base sa pag-amin din nito sa TWBA.

“Kasi when I first tried deodorant it was really super ticklish and I hated that feeling so I just tried not using it so and I realized that it didn’t smell that bad,” kuwento ng binata.

Isa pang dahilan kung bakit ayaw ng aktor gumamit ng deodorant, “there’s this conspiracy I think that deodorant might give you cancer.”

Pero hindi naman itinanggi ni Tony na kapag sobrang pawisan na siya. “the worst smell is alam mo ‘yung may batang naglaro may kaunting asim.”

Hmm tanda namin kapag nakakausap namin ang aktor ay wala kaming naaamoy sa kanya, parang hindi rin siya mahilig maglagay ng pabango.

Kaya pala sabi ni Angel Aquino noon sa mediacon ng Glorious ay natural ang amoy ni Tony at hindi mabaho.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …