Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nuggets tibag sa Trailblazers (McCollum kumana sa opensa)

KUMANA si CJ McCollum ng 20 points upang tulungan ang Portland TrailBlazers sa 97-90 panalo kontra Denver Nuggets sa Game 2 ng 2018-19 National Basketball Association (NBA) second round playoff.

Tabla na ang serye sa 1-1 sa kanilang best-of-seven match, halos dominahin ng TrailBlazers ang laban hanggang sa kaagahan ng fourth quarter kung saan ay lamang sila ng 14 puntos.

Subalit sa huling isang minuto ng laban ay naibaba ng Nuggets ang kanilang hinahabol sa lima, 95-90.

Hindi naman nataranta ang Portland naging matatag upang makuha ang importanteng panalo.

‘’The good news is they had all of those offensive rebounds but they didn’t convert a lot,’ hayag ni ‘ Portland coach Terry Stotts. ‘’They were 8 for 24 on second-chance points. We were fortunate we came away not hurt as badly as we could have been on the offensive boards.

Kaya naman inaasahang magiging ganado ang TrailBlazers sa Game 3 kung saan sa lugar nila ito lalaruin.

‘’(Nikola) Jokic and (Paul) Millsap were just playing volleyball with it. They’re both excellent offensive rebounders. They’re a top-three offensive rebounding team anyway and we’ve got to make sure they don’t have those opportunities in Game 3.’’

Tumikada sina center Enes Kanter at Rodney Hood ng tig 15 puntos habang 14 ang inambag ni Damian Lillard para sa Portland.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …