Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Gusto kong maniwala kay Jeremy Marquez pero hindi ko magawa

GUSTO kong maiyak sa drama ng buhay ng kandidatong si Jeremy Marquez — tumatakbong vice mayor sa Parañaque City, base sa kanyang post sa social media.

Public knowledge naman ang kanilang buhay. At wala namang humusga sa kanila sa ganoong kalagayan.

Sa totoo lang, tuwing may bagong girlfriend noon ang erpat niya, ang simpatiya ng tao ay laging nasa kanila. 

Kung pagiging public servant ang pag-uusapan, pinagbigyan naman siya ng mga taga-Parañaque. Hindi lang natin alam kung mauulit ngayon ang pagtitiwalang iyon.

Gusto rin nating ipaabot kay Jeremy na hindi ko maipagkakatiwala ang boto ko sa kanya dahil mayroon siyang inagrayadong tao na malapit sa inyong lingkod.

Kung totoong hindi niya malilimutan ang kanilang buhay noong bata pa sila, sana’y hindi niya ito inulit.

Malungkot ang lumaking walang tatay, pero mas malungkot ‘yung alam mong nandiyan lang ang tatay mo pero hindi ka naman sinusuportahan.

Ngayon, Jeremy, umaasa ako na ikaw ay magi­ging isang tunay na lalaki para pangata­wanan o panindigan ang iyong mga obligasyon sa buhay.

Kapag nagawa mo ‘yan, hindi lang isang boto ang makukuha mo mula sa akin.

Good luck!

 

        

CSC’s COMMISSIONER
ATTY. AILEEN LIZADA
NAIRITA NA RIN
SA MGA TSEKWANG
MAGUGULO

HINDI tayo nagtataka sa reklamong ‘yan ni Civil Service Commissioner, Atty. Aileen Lizada laban sa maiingay, magugulo at mahilig maningit sa pila na Chinese nationals.

Sa totoo lang, kahit sa Hong Kong ay ganyan din ang reklamo ng mga kababayan nila roon. Kung umasta kasi ang mga ‘yan parang sila lang ang tao sa isang lugar.

Sana naman, ay matuto silang magrespeto sa kultura ng ibang nasyon lalo na’t banyaga sila rito sa ating bansa.

Kung tayong mga Pinoy, kahit sa Pilgrimage ay binibigyan ng maayos na oryentasyon sa pagpasok sa ibang bansa, bakit hindi gawin iyon sa kanila ng kanilang mga embahada o foreign affairs department?

Tingin natin ay kulang na kulang sa oryentasyon ang mga Chinese nationals kaya ganyan sila ‘pag nasa labas ng kanilang bansa.

Panahon na siguro para ipaunawa ‘yan ng DFA sa Chinese Embassy.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …