Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grae Fernandez nabigyan ng break sa action, Edward Barber biggest break ang “Hiwaga Ng Kambat”

Sa presscon ng pinagbibidahan nilang weekend fantasy series na “Hiwaga Ng Kambat,” ikinu­wento pareho nina Grae Fernandez at Edward Barber na gumaganap na kambal sa serye ang mga mahihirap nilang eksena rito lalo sa parte ni Edward na maliban sa prosthetics na inilalagay sa kanyang mukha at katawan para magmukhang paniki ay kinailangan rin ng banyagang aktor na mag-aral ng arnis.

At sa kanilang fight scenes ni Grae ay hindi maiiwasan na magkasakitan sila pero hanggang hampas lang naman daw sila.

Ito namang si Grae, dahil nabigyan ng break sa action ay nagbukas daw ito sa isipan niya na puwede siyang gumawa ng ganitong klase ng proyekto kung papalarin ay type niyang sundan ang yapak ng kanyang lolong si Rudy Fernandez.

At dahil parehong guwapo ay may pampakilig rin sa kanilang fantaserye at si Chantal Videla ang love interest ni Grae habang ang loveteam na si Maymay Entrata ang partner ni Edward.

Ang ganda ng sinabi ni Maymay sa presscon na kahit paghiwalayin sila ng proyekto ni Edward ay susuportahan pa rin niya ang rumored boy­friend actor.

Samantala, gumaganap ang dalawang aktor na sina Edward at Grae bilang ang kambal na sina Iking at Mateo. Isinilang na mukhang paniki si Iking, saman­tala normal at lumaki sa marang­yang pamumuhay si Mateo.

Ang kanilang pagkakaiba, ang dahilan ng malalim nilang hidwaan dahil sa paulit-ulit na panlalait ni Mateo kay Iking. Pero liliit ang kanilang mundo sa pagkakataong malaman nila ang sekretong babago sa takbo ng kanilang mga buhay.

Agad na pumatok ang mahiwagang kuwento ng serye matapos magtala ang pilot episode nito noong 21 Abril ng national TV rating na 24.4%, kompara sa 12.1% ng “Daig Kayo ng Lola Ko,” ayon sa datos ng Kantar Media.

Muli itong nanguna sa timeslot nito noong Linggo (28 Abril) nang magtala ng 22.7%, kontra sa katapat nito na nakakuha ng 14%. Umani rin ng sari-saring papuri online mula sa netizens na hindi napigilan ang pagkasabik sa bawat eksena ng fantaserye.

Panoorin ang “Hiwaga ng Kambat” bago mag-”Idol Philippines” tuwing Linggo sa ABS CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …