Saturday , November 16 2024
Stab saksak dead

Dalagita natagpuang tadtad ng saksak (Tiyuhin pinaghahanap)

PATULOY ang isina­sagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagka­matay ng 14-anyos dala­gita na natagpuang tad­tad ng saksak sa loob ng bahay ng kanyang tiyuhin sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. David Nicolas Poklay, dead-on-arrival sa Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) ang biktimang si Clarisse Joyce Marcelo, residente sa P. Adriano St., Brgy. Malanday sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadakip ng mga tauhan ng Valenzuela Station Investigation Unit (SIU) sa follow-up opera­tion ang tiyuhin ng bikti­ma na si Rusty Marcelo, 30 anyos, na itinuturing bilang pangu­nahing sus­pek sa pagpatay.

Sa natanggap na ulat ni Poklay, nadiskubre ang katawan ng biktima ng kanyang tiyahin na si Rosario Marcelo-Tumibay sa loob ng bahay ng sus­pek sa P. Adriano St., dakong 9:30 am na nalili­go sa sariling dugo.

Agad humingi ng tulong si Rosario sa ama ng biktima na si Danilo bago mabilis na isinugod ang kanyang anak sa naturang pagamutan.

Sinabi ng pulisya na huling nakita ang biktima na kasama ng kanyang tiyuhin na si Rusty habang patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang tunay na motibo sa insidente.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *