Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

7-anyos totoy patay sa silver cleaning solution

PINANINIWALAANG hindi sina­sadyang nainom ng 7-anyos batang lalaki ang silver cleaning solution na nakalagay sa boteng plastic ng softdrink na kanyang ikinamatay sa Makati City.

Namatay habang nila­la­patan ng lunas sa Ospital ng Makati ang biktimang si Rain Men­doza, ng Block 317, Lot 10, Mockingbird St., Bgy. Rizal ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat na naka­rating kay Makati City Police Chief P/Col. Roge­lio Simon, sinabi ng ina ng bata na si Jenifer Mendo­za, 37, naganap ang insi­dente 10:45 am sa loob ng comfort room sa bahay ng biktima.

Ikinuwento ni Jenifer sa pulisya, napansin ng kanyang 5-anyos na anak na lalaki, na nagkokom­bulsiyon ang kapatid kaya’t agad silang humi­ngi ng tulong sa kapit­bahay na si alyas Tikboy.

Kaagad na pinakain ng asukal ang biktima at isinugod sa nabanggit na ospital para magamot.

Nang puntahan ng ina ng bata ang loob ng com­fort room napansin niya na bukas ang isang plastic na bote (mountain dew) na naglalaman ng silver solution.

Posible umanong ina­ka­la ng bata na softdrinks ang laman nito kaya ininom.

ni ROMMEL SALES

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …