Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

“JV is the good one” campaign ad makahamig kaya ng panalo?

NAPANOOD na ba ninyo ang campaign ad ni reelectionist JV Ejercito?!

Nanghinayang kasi ako sa laki ng gastos sa nasabing ad pero hindi ang botante ang naging target kundi tila patutsada sa utol niyang nagbabalik din sa senado.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na mayroon silang — sabihin na nating cold war — ng kanyang utol na nagiging karibal niya sa maraming bagay, kaya useless na ipagdiinan pa ito sa isang magastos na campaign ad.

Sana ay nagdiin at naging espesipiko na lang sa kanyang mga nagawa sa senado ang tinakbo ng ads. Hindi ‘yung halatang-halata na may pasaring sa utol na may asunto dati sa Sandiganbayan.

Parang pinalalabas pa ni JV na siya lang ang “good.” Siya ang ‘good’ at ‘evil’ ang utol.

Hindi kaya naisip ni JV na imbes dalawa silang iboto ng supporters ng kanilang pamilya ‘e ilaglag na lang siya dahil sa ginawa niyang tila pagpapasaring sa kapatid?!

Kapag nangyari ‘yan sa araw ng eleksiyon, doon niya mare-realize na sa kanya nag-boomerang ang kanyang ‘patutsada’ sa utol.

May ilang araw pang natitira si JV, sana’y mapag-isipan niyang botante ang dapat niyang makombinsi at hindi iyon mangyayari sa pagpapasaring laban sa kanyang utol na minsan nang dinagukan ng panahon.

‘Yun lang.

 

WINNER SI BATO
SA SENATORIAL
DEBATE

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga senatoriable na ipamalas ang kanilang galing at talino sa idinaos na debate ng CNN kahapon.

Mas marami talagang nagpunta mula sa Otso Diretso dahil alam nilang kailangang-kailangan nila ng publicity dahil lagapak ang kanilang mga kandidato sa nagdaang survey.

Sa admin at independent naman ay hindi rin natinag sina Bato, Glenn Chong at Raffy Alunan. Napabilib din kami sa tindig ni dating PNP Chief Bato, mag-isa niyang binuhay ‘yung debate at sinalag lahat ng banat ng mga kandidato ng Otso Diretso.

Sa totoo lang, nagkaroon ng anghang ‘yung debate dahil sinagot niya isa-isa ‘yung banat ng kabila.

May punto naman siya sa mga usapin sa West Phil Sea dahil ano ba ang inginangawngaw ng mga dilawan e hindi ba’t sa kanila nagsimula ang problemang ito?

Bilib din tayo sa fighting spirit ni Alejano, kahit na sinisi ng kabilang grupo si Trillanes na ka-partido niya at sinabing siyang backdoor negotiator sa China noon.

Nabuhay tuloy sa alaala ‘yung nagbakbakan sila ni dating senate president Enrile noong 2012 dahil sa Brady’s notes na naglahad ng mga nangyari sa pakikipag-usap ni Trillanes sa mga Tsino.

Praktikal din naman ang mga sinabi ni Bato lalo na sa usapin ng disaster management. Mara­mi na rin naman tayong batas at minsan ang pro­blema talaga ay kung nagkakaron ba ng pagka­kataon para sa implementasyon.

Dahil kahit pagkarami-rami pa ng batas o polisiya na ‘yan, kung hindi naman naipatutupad nang maayos sa ibaba ay balewala rin.

Marahil dahil malawak ang experience niya sa baba ay ramdam niya ang mga problema at ang hirap para mabigyan ng solusyon ang mga suliranin ng lipunan.

Hindi naman maikakaila na talagang maraming matalinong kandidato, maraming bright ideas ‘ika nga. Pero siguro dapat matuto tayo na hindi naman talino lang din ang kailangan. Walang kuwenta ang mga ideya kung hindi maisasakatuparan.

‘Yun ang inilamang ni Chief Bato. Basta ang alam ko, lahat ng argumento niya at lahat ng isinagot niya ay nanggaling sa sarili niyang experience sa public service.

Kaya hindi mabobola ng kung ano-anong husay lang sa argumento. Kayo ba ano ang mas pipiliin ninyo, ‘yung puro ngawngaw lang o ‘yung may aksiyon?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *