Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessa Laurel wala pang project pero may basher na

Senyales ba ang pagkakaroon agad ng basher ng alaga naming singer-model na si Jessa Laurel na sisikat siya sa showbiz world?

Hayan at kahit wala pang project si Jessa ay naba-bash na ay sinasabihan siya ng kung ano-anong masasakit na salita.

Pero pahiya ang kanyang basher dahil to the rescue agad ang fans and supporters ng dalaga ni Mommy Juvy Laurel.

Hindi kasi siguro matanggap ng nag-iisang hater ni Jessa na maganda siya at nasa kanya ang lahat ng qualities para maging “Star” in the future.

Well payo namin sa maganda at talented naming alaga, huwag na niyang patulan dahil KSP o kulang sa pansin ang mga iyan.

Pinaplantsa na pala ‘yung recording ni Jessa para sa kanyang first CD Lite album at isa ang hitmaker na si Vehnee Saturno sa kukunin naming composers para rito. At excited na si Jessa na gawin ito. Gusto rin niyang sumulat ng sarili niyang kanta na isasama niya sa kanyang album.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …