Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Driver kulong sa dalagitang minolestiya

KULONG ang isang 40-anyos lalaki matapos irekla­mo ng pangmomolestiya sa 12-anyos dalaginding ha­bang nakikipaglaro ang biktima sa mga kaibigan sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to RA 7610 o Child Abuse Law ang suspek na  kinilalang si Dionisio Bayoca, driver at residente sa  Yakal St., Old Prodon, Brgy. Gen. De Leon ng nasabing lungsod.

Batay sa ipinadalang ulat ng Valenzuela Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) kay Valenzuela police P/Col. David Nicolas Poklay, dakong 7:00 pm naganap ang pangigigil ng suspek sa dalagitang itinago sa pangalang Marie.

Nakikipaglaro umano ang biktima sa mga kapit­bahay sa labas ng kanilang tahanan nang biglang hab­lutin ng suspek ang kanyang kamay at mahigpit na niya­kap bago pinupog ng halik ang pisngi.

Sa kabila ng naram­damang takot, nagawang makapiglas ng biktima at nagtatakbo papasok sa kanilang bahay saka nagku­long sa kanyang silid.

Kamakalawa ng hapon, napansin ng tiyahin ng bik­tima ang kanyang pamang­kin na hindi naglaro sa labas ng bahay at tila may kina­tatakutan kaya’t pinilit niyang usisain ang bata.

Nang matuklasan ng tiyahin ng biktima ang pangyayari, kaagad siyang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagka­kadakip sa suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …