BUKOD sa pagiging bronze medallist sa WCOPA ay nakapag-perform pala noon ang alaga naming si Jessa Laurel sa Wales, United Kingdom para sa Choral Grand Finals na siya at ang kanyang choir group na Coro San Benildo Choir of the World Category ang naging pambato ng kanilang university na Dela Salle College of St. Benilde.
At may solo performance dito si Jessa na kinanta ang “Padayon” ng idolong si Grace Nono at with matching dance pa.
Actually pang-international naman talaga ang boses ng talent namin kaya ‘di malayong in the future ay puwede siyang mapasabak sa international Broadway Musical.
Pero dahil maganda at matangkad ay pasado rin sa teleserye at movies si Jessa. Excited na rin ang newcomer sa kanyang magiging career sa showbiz.
Sino sa 40 Dabarkads ang makakapag-uuwi ng brand new Mitsubishi Mirage?
Palaki nang palaki ang premyong ipinamimigay ng Eat Bulaga sa kanilang “Mag-comment Na!”
Yes isang brand new Mitsubishi Mirage G4 GLX1.2 CVT ang puwedeng maiuwi ng isa sa 40 Dabarkads na pasok sa pakontes na ito sa Official Facebook Fanpage ng EB. Hindi lang ang homeviewers ang kasali na mapapabilang sa 40 Dabarkads gayondin ang studio audience na matiyagang pumipila araw-araw sa APT Studio.
Last Wednesday ay dalawang studio audience ang nakasama rito. Napakadali lang sumali sa “Magcomment Na!” Mag-selfie sa tabi ng TV hawak ang padala ng mga Dabarkads sa takbuhan at i-comment na rin kung ilang taon na kayo sa post maging ang tamang code at sagot para sa chance na makapagbukas ng Mitsubishi Mirage G4.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma