Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Human trafficking’ sumambulat sa pagyanig ng Clark Int’l Airport

HINDI lang ang kahinaan ng estruktura ng Clark International Airport (CIA) ang nabuyangyang sa publiko nang pabagsakin ng magnitude 6.1 lindol ang kanilang kisame at puminsala rin sa Pampanga nitong Lunes, 22 Abril.

Sinabi na natin, hindi natin minamaliit ang magnitude 6.1 lindol. Hindi biro ‘yan. Pero mas lalong hindi biro ang mahigit sa P1-B pondo na ginastos para i-rehabilitate at i-renovate para patibayin at pagandahin ang paliparan na pinapangarap noong paglipatan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mukhang blessing in disguise ang nangyaring ‘yan sa Clark, dahil hindi lang pala ‘yang mahinang estruktura ang mabubuyangyang kundi sasambulat din pala ang talamak na ‘human trafficking’ sa nasabing airport.

Gaano katotoo ang impormasyon na riyan sa CIA dinadala ang mga bulto-bultong Pinoy na umaalis sa bansa na kulang ang mga dokumento?!

Hindi lang ‘yan, isa umano ang CIA sa mga paboritong ‘lapagan’ ngayon ng mga Bombay at maging ng mga Chinese national na naririyan ang kontak sa Central Luzon areas.

Gusto tuloy nating tanungin kung ‘inutil’ ba si Roni Santos, ang sinasabing hepe ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) diyan sa Clark?

Ano kaya ang masasabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente sa ‘pagsambulat’ ng  human trafficking sa Clark?!

Hindi kaya sumakit ang ulo ni Commissioner Morente sa sandamakmak na ‘bukol’ na inabot niya kay Roni Santos?!     

Aruyku!

Paki-explain na nga, Mr. Santos.

 

MAG-UUTOL
NA HULI SA DROGA
ITINURONG KAANAK
NG 2 KANDIDATO
SA TAGUIG CITY

TATLONG magkakapatid na natimbog sa Taguig dahil umano sa pagbebenta ng droga sa mismong tahanan ang itinuturong kamag-anak umano ng tumatakbong mayor at congressman sa lungsod.

Kasama raw ng tatlo ang iba pang suspek, na nahuli sa isang buy bust operation at nakuhaan ng drogang nagkakahalaga ng P20K ng Taguig police.

Ang liit naman?!

Ganoon lang ba kaliit ang nakuhang droga sa tatlong magkakapatid na may kasama pang tatlong suspek?

Sabi sa police report, sina Jerwin Mendiola, 39; Jorge Mendiola, 41; at Epitacio Mendiola Jr., 48; pawang residente sa Gen. Natividad St., Palingon-Tipas, Taguig City, ay nahuli ng mga pulis at ng Philippine Drug Enforcement Unit matapos silang magbenta ng shabu sa isang asset noong 15 Abril. 

Ang ibang nahuli noong operasyon ay kinilalang sina Arjuna Cruz, 39; Andrew Victor Arcega. 37; and Mark Lester Magbalana.

Pambihira rin itong mga nasakoteng suspek, ang tatanda na ninyo, wala ba kayong balak magbagong-buhay?! Sinampahan na raw ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

‘Yung magkakapatid na Mendiola, ang suspetsa ng mga nakahuli ay kamag-anak ng tumatakbong alkalde sa Taguig na si Arnel Mendiola Cerafica at si Allan Mendiola Cerafica na tumatakbo namang congressman sa Dist. 1 ng Taguig na nagmula rin sa parehong barangay ng mga suspek.

Mendiola brothers, kamag-anak nga ba kayo ng mga kandidatong ‘yan?!

Aba magpaliwanag kayo!

E ‘di ba parang ganyan din noong nakaraang eleksiyon?!

May ilang mga suspek na iniuugnay naman sa Tinga clan. Binansagan pang Tinga drug syndicate na nasentensyahan umano ng reclusion perpetua dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong Setyembre 2016 at Pebrero 2017.

Tsk tsk tsk…

Sa tindi ng drug war ng Duterte adminis­tration, hindi ba umabot diyan sa Taguig?!

Naku, ayaw ni Tatay Digong nang ganyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *