Tuesday , December 24 2024

Maynilang madilim hahanguin ni Lim

SADYA nga bang nasa kadiliman ngayon ang Maynila, madilim sa katotohanan…madilim sa kaunlaran? Sapagkat, ‘ika nga ni Erap sa kanyang bitbit na slogan… “Sulong Maynila!”

Aba’y teka, hanggang ngayon ba’y Sulong Maynila pa rin? Hindi ba naisulong ni Erap ang Maynila sa anim na taon ng kanyang panunung­kulan?

Matagal nang naisulong ang Maynila, partikular noong panahon ng panunungkulan ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim. Minsan na rin naiahon sa kadiliman/kahirapan ang Maynila, partikular ang mga pobreng Manileño, sa pamamagitan ng pagpapatayo ni Ka Fred Lim ng mga paaralang libre para sa mga kabataang tutungtong sa kolehiyo, maging mga paaralang libre para sa elementarya at sekundarya.

Kasabay nito mga ‘igan, ang pagpapatayo ng mga ospital at health centers na may libreng serbisyo lalo sa  pobreng Manileño. Idagdag pa ‘igan ang mga libreng gamot. Sus! Kahanga-hangang tunay! Nakapagpatayo rin ang ‘mama’ ng ‘evacuation centers’ d’yan sa Delpan at Baseco Compound, na napakalaking tulong ang naibibigay sa mga nasalantang Manileño ng mga kalamidad…tiyak na may matatakbuhan!

Minsan nang naging maliwanag ang buong Maynila. Pinailawan ni Ka Fred Lim upang maging ligtas laban sa masasamang elementong umaali-aligid sa paligid. Ngunit, ano’t nalugmok na naman sa kadiliman ang Maynila na naging sanhi ng maraming krimen? Nandiyan ang magnanakaw, holdaper, isnatser, adik at marami pang iba.

Kaya, tama lang mga ‘igan ang dinadalang slogan ni Erap, “Sulong Maynila,” dahil hindi umano naisulong ni Erap sa kanyang panunungkulan, na lumikha ng mala­king katanu­ngan sa sambayanang Manileño…

“Sadya nga bang dapat isulong sa ngayon ang

Maynila, dahil sa epekto ng kapa­bayaan ng admi­nistrasyon? Kayo na ang magde­sisyon…

Lingkodbayang Inyong Maaa­sa­han ba ang dapat na iposisyon?

 

JOYBEL WALANG TALO SA KYUSI

SADYANG ‘di maikukubli mga ‘igan, ang ipinipintig ng puso (joy…bel…joy…bel) ng mga taga–Quezon City, ang umano’y napipintong susunod na Mayor ng Kyusi, QC Vice Mayor Joy Belmonte. Bagamat todo-todo rin ang arang­kadang ginagawa ng mga kalabang sina Rep. BingBong Crisologo at dating Rep. Chuck Mathay, sus…sigurado pa rin ang panalo, dahil nangunguna pa rin si Joy Belmonte sa puso ng mga taga-Kyusi.

Ano kaya ang sekreto ng masuwerteng nilalang? Hindi kaya sa magandang pamumunong ipinamamalas niya sa Kyusi? O sa magandang plataporma, para sa lahat sa kapakinabangan ng sambayanang Kyusi?

‘Ika nga ni JoyBel… “Kasama ka sa pag-unlad.” Anong ibig sabihin mga ‘igan? Aba’y simple lang, ibig ni JoyBel na sama-sama lahat sa hirap at ginhawa, hindi ‘yaong mga nasa posisyon lamang ang umuunlad/umaangat o nagpapayaman at nagpapakasasa sa pera ng bayan, bagkus ang kapakanan din o kapakanan muna ng nasasakupang sambayanan ang prayoridad.

Sa magagandang pangitain, partikular sa mga resulta ng surveys, nanginginig ang mga katunggali ni JoyBel na sina Ka BingBong at Ka Chuck. Kaya naman laking pasasalamat ni JoyBel sa kanyang walang sawang tagasuporta na sige lang nang sige sa pagtangkilik sa kanyang kandidatura bilang susunod na Mayora ng Quezon City. Wow!

Kaya’t mag-isip-isip ng isa…dalawa…tatlo… sa pagboto. Kilalanin mabuti ang napupusuang kandidato, usisain ang kanyang plataporma, at higit sa lahat ay tunay na kakayahan para mamuno bago iboto.

Maging mapagmatyag at matatag sa lahat ng oras. Huwag padadala sa mabubulaklak na pananalita ng mga pulpol na politiko, bagkus suriin sa puntong… katotohanan at hindi sa puntong…kalokohan.

Tama ka ‘igan, sa Kyusi, ika nila’y…saan ka pa nga naman, ‘di ba dapat sa mas batang lingkodbayan na may angking kakayahang pamahalaan ang lugar na kanyang nasasakupan and with good track record? Tumunog na ang bell o ang batingaw…magaganap na ang isinisigaw at ipinipintig ng puso ng Kyusi…

Joy…Bel…Joy…Bel…

Boooom! Good Luck po!

BATO-BATO BALANI
ni Johnny C. Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *