Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino
Kris Aquino

Kris sa pagpo-produce ng sariling show — I can’t handle the stress

SA nakaraang pa-presscon ni Kris Aquino para sa paborito niyang cousin in law na si Timi Aquino, natanong siya kung may plano pang  bumalik sa telebisyon dahil marami na ang nakaka-miss sa kanyang mapanood muli.

O si Kris na mismo ang mag-produce ng sariling show sa dalawang giant network.

Ang sagot ng Queen of Social Media, “I can’t handle the stress. Ina-admit ko naman what my strengths are, eh, pero ‘yung ano talaga, ever since, ‘yung pinagdaanan namin, kung alam n’yo lang, bawat shoots, bawat ano, up to the last centavo, tsine-check ko na, kasi ayoko nang mapagsabihan ever again na ‘Eh, kasi kasalanan mo, eh. Hindi mo inaral!’ Mahirap gawin ‘yan until I find someone I can trust to produce it for me.”

Inamin ni Kris na may mga nag-offer sa kanya pero ang kondisyon ay si Kris mismo ang content producer.

Ang katwiran ni Kris kaya hindi niya tinanggap, “Ay, galit sa akin ‘to, gusto nilang mamatay na ‘ko talaga.”

Mahirap at madugo ang proseso at kailangan niya ng team na mapagkakatiwalaan para i-produce ito.

“Ang mangyayari talaga sa akin, mai-stroke ako kung ako ang gagawa ng lahat, tapos ang dami kong mapapaligaya kung ‘yun ang mangyari. So, ayoko pa silang maging maligaya,” pabirong sagot ni Kris.

Samantala, bago humarap si Kris sa pa-presscon niya para suportahan ang kandidatura ng pinsang si Bam Aquino sa Senado ay ang misis nitong si Timi ang katabi niya dahil nakalagay sa mga kontrata ng mga produktong ineendoso niya na bawal siyang mag-endoso ng sinumang kandidato.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …