MUKHANG may malaking problema talaga ang mga awtoridad na dapat ay nagmamantina ng seguridad ng bawat gusali sa buong bansa.
Wala pang ginagawang imbestigasyon sa pagguho ng Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga, pero marami ang nagsasabi na dapat busisiin kung paano itinayo ang nasabing gusali nang sa gayon ay papanagutin kung sino ang mga responsableng tao.
Sa ganitong paraan ay ‘matatakot’ nang magtayo ng mga substandard na gusali ang mga contractor at mababawasan kung hindi man tuluyang maiiwasan ang mga ganitong insidente.
Sa Crowne Plaza Manila Galleria diyan sa Ortigas Ave., Pasig City, hindi rin maganda ang karanasan ng isang grupo na nagdaos ng kanilang event sa isang function room ng nasabing 3-star hotel nang lumindol nitong Lunes, 22 Abril.
Kung hindi tayo nagkakamali, paborito ang Crowne Plaza Manila Galleria ng iba’t ibang private and public organizations and agencies dahil mas mababa ang presyo nila kompara sa ibang hotel or event place sa Ortigas Area.
Maayos naman daw ang facilities at maayos din ang food kaya naman marami ang nagpapa-book sa kanila.
Pero nitong nakaraang Lunes, 22 Abril, nang lumindol, natuklasan ng isang grupong nagdaraos ng event doon kung ano ang kahinaan ng nasabing hotel.
Nang tumigil ang pag-uga ng lindol, siyempre kailangan nang bumaba ng mga tao sa building para tiyakin ang kanilang kaligtasan.
Pero nang buksan nila ang emergency/fire exit, wattafak?! Naka-lock!
E ‘di lalo silang kinabahan. Hindi naman puwedeng mag-elevator.
Pero mabilis din silang nakapag-isip na bumalik sa lugar at nagkasyang sumiksik muna sa ilalim ng mesa hanggang ideklarang safe na para bumalik sa kanilang mga ginagawa.
Heto ngayon, nang tumawag sila sa front desk para ipaalam sa management na naka-lock ang kanilang emergency/fire exit at nagtanong kung ano ang emergency protocol, heto ang sagot: “We don’t know, we’ll have to check it.”
Wattafak!
Ibig bang sabihin, hindi natse-check ng management ‘yang mga emergency/fire exit ng hotel kaya hindi nila alam?!
Wala rin silang alam na earthquake drill sa ganyan sitwasyon!
Isa lang ang hinangaan natin sa sagot nila, honest naman pala sila. Hindi na sila nag-imbento ng sagot.
Anyway, ngayong alam na ng management ng Crowne Plaza Manila Galleria na naka-lock ang emergency/fire exits nila, sana’y gumawa sila nang maayos na hakbang kaugnay nito.
Mabuti na lang at hindi ganoon katindi ang pinsala sa Metro Manila.
E paano kung ‘yung west valley fault ang gumalaw na ilan sa mga tatamaan ay magkakapitbahay na lungsod ng Mandaluyong, Makati, San Juan, Pasig at Marikina, nakahanda na kaya ang Crowne Plaza?!
Sigurado na kaya silang, hindi naka-lock ang kanilang emergency/fire exits?!
Sana naman…
Paging Crowne Plaza Manila Galleria management!
SINO ANG HANDLER NI BIKOY?
OSLA ang style ni Bikoy!
Marami tayong naririnig na ganitong reaksiyon.
Kumbaga, kahit saang anggulo tingnan, demolition job lang daw ‘yan.
Pero may nagsasabi rin na puwedeng ‘overkill’ ito sa mga isyung ipinupukol laban sa pamilyang Duterte para tuluyan nang mamatay ang mga bintang at usap-usapan.
Kaya marami ang nagtatanong, sino ba talaga ang handler ni Bikoy?!
Well, kung sino man ang handler ni Bikoy, isa lang ang segurado, marami ang kumita.
At marami rin ang natuwang IT experts na parang nagpataasan ng ihi para ipagmalaking mga ‘henyo’ sila.
Dahil sa husay ng pagkakagawa, marami ang nagsasabing, “it’s too good, to be true” para ‘bilhin’ ng spectators.
Kahit sino ay puwedeng gumawa ng kuwentada sa isang papel para manira. Mas paniniwalaan sana ‘yan kung bank deposit slip ang ipinakikita ni Biko ‘este Bikoy.
Bukod diyan, halatang-halata na election propaganda ang OPN BIKOY.
Kung sa ‘kalaban’ nanggaling ang nasabing operation, masasabi nating ‘wrong timing.’
Kung sa mga supporter naman nagmula, well, masasabi nating…nakapuntos kayo.
Sa mga spectator, isa lang ang masasabi natin, huwag kayong sakay nang sakay.
‘Yun lang po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap