Monday , December 23 2024

“Sino Ang Maysala?: Mea Culpa” may karapatang pumalit sa timeslot ng “Halik” simula ngayong April 29

LAST Monday matapos masigurong safe na ang lahat sa dinanas na malakas na lindol ay itinuloy ng Dreamscape Entertainment ang special screening para sa pinakabago at all-star cast nilang teleserye na “Sino Ang Maysala?:Mea Culpa.”

Mula umpisa hanggang ending ng one week episodes ay ipinanood sa entertainment press and bloggers kasama ang buong cast led by Jodi Sta. Maria and Bela Padilla at mga director na sina Andoy Ranay at Dan Villegas.

Majority ng nasa loob ng Dol­phy Theater ay walang tumayo dahil sobrang kawi­li-wiling panoorin ang nasabing dra­ma series na may kakaibang kuwento ng krimen.

Matutunghayan sa serye ang pag­babalik-prime­time ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria bilang si Fina, isang simpleng magsasakang naghahangad ng magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya at buong tapang na hahanapin ang nawawala niyang anak.

Makakabangga naman niya si Bella Padilla, na gaganap bilang isang abogado, kasama sina Tony Labrusca, Kit Thompson, Sandino Martin, Ivana Alawi, at Ketchup Eusebio.

Magsisimula ang bangungot ng mga character ng magkakaibigang sina Juris (Bela), Andrei (Tony), Gaylord (Sandino), Greco (Kit), Lolita (Ivana), at Bogs (Ketchup) nang mag-road trip sila sa Baguio upang i-celebrate ang pagkapasa nila sa Bar.

Hanggang hindi sinasadyang may mabangga silang babae na agad binawian ng buhay. Ang babaeng nagpanggap na nurse at dumukot sa anak ni Fina sa ospital. At dahil pare-parehong may pangarap at iniingatang pangalan kahit na hindi sumasang-ayon si Juris na ibaon sa lupa ang bangkay ng biktima ay nasunod pa rin ang gusto ng kanyang mga tropa.

Hanggang may mapulot silang bata sa mis­mong lugar na pinaglibingan nila. At dito na nagde­sisyon si Juris na kunin ang bata at kanyang inalagaan at  katuwang niya rito na sobrang supportive sa kanya si Andrei na malaki ang gusto sa kanya.

Samantala patuloy sa paghahanap si Fina at ina nitong si Amor (Janice de Belen) sa kanyang nawawalang anak. Nakadagdag pa sa matinding pighati ni Fina ang pagka­matay ng kanyang mister (Bernard Palanca) nang maak­sidente ha­bang nagta­trabaho sa Doha Quatar at pagkuha ng isa pang anak ng kan­yang mother-in-law na si Maria Isabel Lopez.

Tripleng pasakit ito kay Jodi habang ang kanyang anak ay nasa poder ni Juris at Papay (Boboy Garovillo) na may malubhang karamdaman sa dugo.

Pero sapat na bang kabayaran ang pag-aaruga ni Juris sa bata sa malaking krimeng nagawa nila ng kanyang mga kaibigan sa Baguio?

At sa paghaharap nila ni Fina, sino sa kanila ang higit na mas may karapatan sa bata? Bukod sa pawang mahuhusay ang buong cast, sulit panoorin ang Sino Ang Maysala at may karapatan sila para pumalit sa maiiwang timeslot ng pinag-uusapang teleseryeng Halik na magwawakas na ngayong 26 Abril.

Mapapanood ang Sino Ang Maysala?:Mea Culpa simula ngayong 29 Abril sa ABS-CBN Primetime Bida.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *