Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Radio and TV personality Yvonne Benavidez mahusay na singer at binansagang babaing Basil Valdez

Binansagan ng kanyang mga kaibigan na babaeng Basil Valdez ang radio and TV personality at owner ng Mega-C na si Madam Yvonne Benavidez. Agree naman kami dahil talagang mataas ang boses ni Madam Yvonne na kayang bumirit ng mga kantang “Just Once” ni late James Ingram at “If You Walked Away” popularized naman ni David Pomeranz.

At mapapa-wow naman talaga kapag napa­king­gang kinakanta ni Madam Yvonne ang isa sa classic hits ni Anne Murray na “I Just Fall In Love Again.”

Well aside sa pagha-handle ng kanyang vitamin and coffee business at pagraradyo at paglabas sa television ay nasa bucket lists rin ni Madam Yvonne ang makapag-recording siya ng CD Lite album at ang hitmaker na si Vehnee Saturno ang gusto niyang gumawa ng kanyang mga song.

Type rin niyang magkaroon ng concert sa Music Box na back to back sila ng kanilang endorser sa Mega C na si Gabriela at magkaroon sila ng duet ni Ga­briela ng pinasikat nitong awitin na “Natatawa Ako.”

Videoke DabarClash bagong segment na kagigiliwan araw-araw sa Eat Bulaga

Sa mga type mapanood sa TV na bumibirit? Aba’y ito na ang pagkakataon niyo para maipakita ang inyong angking talento sa pagkanta sa “Videoke DabarClash” ang pinakabagong segment na matutunghayan araw-araw sa favorite ninyong noontime variety show na Eat Bulaga.

Masaya ito at bukod sa maririnig ang inyong magandang boses ay may chance pa kayong manalo ng P5K plus gift pack at tatlo ang puwedeng manalo daily. Ang studio audience at mga residente sa iba’t ibang barangay ang puwedeng maging contestant at suwerte kapag ikaw Dabarkad ang napili.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …