ISANG kamag-anak ng ating kabulabog ang disgusted sa kanyang huling biyahe sa Philippine Airlines (PAL).
Hindi raw niya akalain na napaka-remote ng solusyon ng PAL kapag mayroong death incident sa loob ng airbus.
Nasa ere na raw ang flight PR 113 nang atakehin sa puso ang isang pasahero. Hindi na yata nalapatan ng pang-unang lunas dahil mabilis daw ang pangyayari at agad binawian ng buhay.
Unlike sa ibang nababalitaan natin na lumalapag sa pinakamalapit na airport para maaasistehan ang pasyente, hindi napansin ng kamag-anak ng kabulabog natin na nag-effort ang airline para gawin ito.
Nalaman nga lang daw nila na may pasyenteng namatay nang lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at pumasok ang isang medical team para kaunin ang bangkay.
Kaya biglang kinilabutan ang mga pasahero.
Imagine, 11 hours silang nasa eroplano na may cadaver na nakabalot lang sa plastic at blanket at nakaupo lang sa airline seat?!
Wala man lang bang inilalaan na cabin or room ang PR 113 o ang PAL management para sa mga ganitong insidente?!
O baka naman dahil sa economy class nakaupo ang pasahero kaya ganoon lang ang trato sa cadaver?!
Mabuti na lang at wala ka sa flight na ‘yan Madam Cielo Villaluna o hindi mo katabi sa seat ang nasabing passenger.
Kunsabagay, hindi naman mangyayari sa iyo ‘yan kasi for sure nasa business class ka kapag bumibiyahe at hindi sa economy class.
Pero sana, masagot ng PAL ang tanong ng mga pasahero sa PR 113 — ganyan ba talaga ang protocol ng PAL kapag may death incident sa kanilang flight?!
Ano sa palagay ninyo, Madam Cielo?!
CLARK INTERNATIONAL
AIRPORT NA GINASTUSAN
NANG BILYON BUMIGAY
AGAD SA MAGNITUDE
6.1 EARTHQUaKE?!
HINDI natin iniismol ang magnitude 6.1 lindol na puminsala sa Luzon nitong Lunes.