Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

5 bagets arestado sa droga

LIMANG bagets kabi­lang ang isang menor de edad ang arestado maka­raang makuhaan ng mga pulis ng ilegal na droga sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Community Pre­cinct (PCP) 2 commander P/Maj. Merben Bryan Lago, dakong 11:00 pm nang respondehan ng kanyang mga tauhan ang isang insidente sa kaha­baan ng 2ndAve., Brgy. 41.

Pagdating sa lugar, naabutan ng mga pulis si John Carlo Alcoriza, Jerico Alpe, at Danvel Modesto, pawang 18 anyos, na nag-aamok kaya inaresto nila.

Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Dakong 1:30 am, nagpapatulya ang mga tauhan ng PCP-7 na sina P/Cpl. Siador at Pat. Mendoza sa kahabaan ng Tullahan Road, Brgy. 162 nang makita ang dala­wang lalaki na nagtutulak ng motorsiklo na kinila­lang si Miko Flagne, 18 anyos at isang 17-anyos binatilyo.

Sinita ng mga pulis ang dalawa saka hinana­pan ng driver’s license at dokumento ng motorsiklo ngunit walang naipakita at nang kapkapan naku­ha sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …