Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Political ceasefire sa semana santa dapat pairalin ng mga kandidato (Pabor tayo sa apela ni Imee)

SA RAMI ng mga kandidatong nangangampanya araw-araw, tanging si senatorial bet at Ilocos Norte Governor Imee Marcos lamang ang nakaalalang manawgan na magkaroon ng political ceasefire bilang paggunita o pagninilay sa Semana Santa.

Noong nakaraang linggo ay nanawagan si Imee sa lahat ng magkakalabang politiko na pairalin muna ang isang “political ceasefire” sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa o Holy Week.

Aniya, makabubuting itigil muna ang mga alitan at batikusan ng magkakalabang politiko sa panahon ng kampanya para higit na makapagnilay ang bawat isa bilang mga Kristiyanong naniniwala kay Hesu Kristo.

“Siguro naman hindi kabawasan sa ating lahat na kahit sandali ay makapagnilay tayo lalu na ngayong Holy Week. Magkaisa tayo at kilalanin ang paghihirap ni Hesu Kristo,” paliwanag ni Marcos.

Ang panawagan ni Marcos ay bunsod na rin ng tumitinding tensiyon bunga ng nakatakdang halalan lalo sa mga lalawigan na mahigpit ang labanan ng magkakalabang kandidato.

“Dapat ‘political ceasefire’ muna tayo!  Kahit na paano, malaking tulong ito kung sa pagsapit ng Holy Week ay magkaisa tayong lahat kabilang ang ating constituents, at maging daan ito para lalung maging mapayapa ang darating na eleksyon sa Mayo13,” panawagan pa ni Marcos.

Para kay Marcos, ang anumang uri ng karahasan ay hindi mangyayari sa panahon ng eleksiyon kung ang bawat magkakalabang politiko ay magkakaisa bilang mga Kristiyano at isasabuhay ang paghihirap ni Hesu Kristo ngayong Semana Santa.

Kaisa po ninyo kami diyan, Madam Imee. 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *