Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sterling insurance tinanggal sa BPLO, 60% ‘tongpats’ tuloy-tuloy pa rin

PAGLILINAW: ‘Tongpats’ po ang ginamit nating termino dahil ito ang ginagamit na termino ng mga nagrereklamo. Anila, mas mdaling maintindihan at makare-relate ang ibang negosyante na nagkukuwestiyon kapag ito ang ginamit na termino.

Para sa mga hindi pamilyar sa isyung ito, ito po ‘yung reklamo ng ilang business owners dahil nagtataka sila kung bakit sa 100 porsiyentong ibinabayad nila sa pagre-renew ng business permits ay 40% lang ang may resibo.

Inireklamo rin nila noong una kung bakit ang Sterling Insurance ang dapat mag-authenticate ng mga insurance company na pinag-aaplayan nila ng Comprehensive General Liability (CGL) insurance.

‘Yan po ay sa Caloocan City. Pero hindi po ang Caloocan ang naunang gumawa nang ganyan. May isa pang siyudad sa Metro Manila na gumawa rin ng ganyang sistema.

Ngayon, bakit 40% lang ang binibigyan ng resibo? Ang sagot, kasi raw po, ‘yung 60% ay para roon sa mga taga-itaas.

E sino ba talaga ‘yang taga-itaas na ‘yan?! Taga-BPLO ba sila o taga-mayor’s office?!

By the way, ayon sa sumbong na nakarating sa inyong lingkod, tinanggal na raw ‘yung Sterling Insurance. Para hindi makuhaan ng ebidensiya pero ‘yung 60% para sa itaas, tuloy na tuloy pa rin.

Alam natin na magpapatuloy sa kanilang ‘pagwawalis’ ang mga taong sangkot diyan sa 60% na ‘yan,

Pero kaiingat kayo, maraming galit sa ginawa ninyo. Baka isang araw ‘e umabot na ang imbestigasyon sa inyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

‘Di ba Secretary Eduardo Año?!

 

HOTEL SA BORACAY
IPINASARA NA
SINUNOG PA?

ISANG hotel owner ang biktima ng ilang ‘unscrupulous’  people sa Boracay.

Sinunog umano ang kanyang hotel sa Boracay bago ipasara nina DILG Usec Epimaco Densing III at assistant to the Mayor Rowen Aguirre ang isla.

Heto ngayon ang problema ng nasabing negosyante, ayaw siyang bigyan ng Arson report kaya hindi siya makasingil sa insurance.

 Kaya malaki ang ipinagtataka niya kung bakit ayaw magbigay ng Arson report ng bombero.

E bakit nga ba!

Ayon sa negosyante, halos P250 milyones ang nawala sa kanya. Kasi nga ayaw siyang  bayaran ng insurance dahil walang Arson report.   

E ano pala ang balak ng Bureau of Fire (BFP) diyan sa Boracay?! Kailangan nila ilalabas ang Arson report?!

Nakikiusap na po ‘yung may-ari ng hotel na sinunog sa Boracay, kailan ba niya mahahawakan ang Arson report?                 

Umaapela rin siya sa isang tao na kilalang taga-media huwag siyang gawan ng ‘fake news.’

To whom it may concern lang po! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *