Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Iba naman! Doc Willie Ong dapat sa senado

ISA sa mga inirerespetong kandidato ng inyong lingkod ngayon si Doc Willie Ong, tumatakbo sa Senado.

Nagdesisyong tumakbo si Doc Willie na ang tinatapakang base ay 10 milyong followers sa social media.

Sa totoo lang, maraming Chinese businessmen ang nagpadala ng donasyong pera kay Doc Willie pero tinanggihan niya lahat ito.

Mayroon pang nag-offer na all-out financial support sila kay Doc Willie, pero tinanggihan rin niya.

Isa lang ang hiniling niya, tulungan siyang ikampanya sa kanilang pamilya, kaibigan at mga kakilala.

Ilan sa mga tinanggap na donasyon ni Doc Willie ay tarpaulins, stickers, at iba pang campaign materials.

Ibig sabihin, malinis ang layunin ni Doc Willie sa kanyang pagtakbo sa Senado. Hindi ‘yun tipong ‘for the fund of it.’

Hindi nakapagtataka ‘yan, kasi hindi pa man siya nagpaplanong tumakbo ay nakatutulong na siya sa mga ka­babayan nating nangangailangan ng ilang ka­alaman tungkol sa kalagayan ng kanilang ka­lusugan.  

Kung tutuusin puwede namang manahimik na lag si Doc Willie at mag-clinic nang mag-clinic na lang. Puwede rin siyang magpayaman na lang.

Pero mukhang naniniwala siya na mas makatutulong siya sa mas malawak na bilang ng ating mga kababayan kung magkakaroon siya ng posisyon sa gobyerno.

Alam nating ang politika sa ating bansa kung hindi man ‘kaharian ng mga leon at ahas’ ay ‘tila pusaliang puwedeng magtuloy sa kumunoy na lalamon nang buong-buo sa mga pumapasok rito’ pero sa kabila nito nangahas at nagtangka si Doc Willie.

Gusto sigurong wasakin ni Doc Willie ang kasabihang, “Huwag itabi ang sariwang kamatis sa nabubulok dahil madali itong mahahawa.”

Oo nga naman, ang bulok at matinong politiko ay parehong tao at sino man sa kanilang dalawa ay puwedeng magbago ang pag-iisip.

Puwedeng magbago patungo sa kabutihan o puwedeng magpakalulong sa bulok na sistema.

Ibang-iba sila sa kamatis, dahil ang kamatis ay wala namang pag-iisip gaya sa isang tao.        

Hiling lang natin sa mga naniniwala at sumusuporta kay Doc Willie, suportahan natin siya hanggang maluklok sa Senado kung gusto nating magkaroon naman ng ‘ibang mag-isip’ sa hanay ng ating mga mambabatas.

Mga suki, isang hiling lang, isang boto para kay Doc Willie sa 13 Mayo 2019.

Iba naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *