NAKAGUGULAT ang birtud ng isang alyas Piryong diyan sa Quezon City.
Malakas ang ugong na si alyas Piryong umano ang financier/operator ng Perya ng Bayan as in PNB sa Kyusi.
Ang operasyon daw niyan ay may basbas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Pero sabi naman ng PCSO, huwag tangkilikin ang Peryahan ng bayan.
Legal jueteng ba ‘yan!?
Wattafak!
Kaya siguro, ilag at umiiwas din ang Quezon City Police District (QCPD) na makaenkuwentro ang mga taga-Perya ng Bayan dahil baka mayroon silang kalagyan.
Hindi raw kayang banggain ng tsapa ng lespu ang pader na sinasandalan ni Piryong…o naikamada na ni Piryong a.k.a. PM ang ‘parating’ sa QCPD!?
Matibay pa raw sa poste ng Quezon City Hall ang operator n’yan.
Kaya kahit may ‘monte’ pero walang ‘bel’ tiyak na hindi puwedeng bumangga sa PNB ni Piryong ang mga parak dahil baka sila ay maresbakan?!
Kaya walang sinabi ang STL ng PCSO dahil panalong-panalo si Piryong na kopong-kopo ang PNB sa Kyusi.
Ibig sabihin, hindi puwedeng karibalin ng kahit na sino.
Ang tanong: alam ba ni PCSO director Sandra Cam ‘yan!?
Abangan natin!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap