Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, pinalakpakan sa Jesusa; lilipad ng Dubai para mag-shoot

INI-RENEW ni Beautederm President at CEO Rei Tan si Sylvia Sanchez bilang unang endorser ng beauty products kamakailan kaya masaya ang aktres dahil nanatili pa rin siyang isa sa mukha ng produkto.

Pagkatapos ng contract signing cum mediacon ay nakatsikahan namin si Sylvia tungkol sa gagampanan niyang karakter bilang OFW na kukunan sa Dubai.

Actually hindi ko solo ang pelikula, lima kaming bida rito na kukunan sa magkakahiwalay, hindi kami magkakasama rito, kanya-kanya kaming success story dito,” say ng aktres.

Kung tama ang narinig namin ay gagampanan ni Ibyang ang isang kasambahay na yumaman na nanggaling ang yaman mula sa among taga-Dubai.

Pinamanahan ng amo niyang taga-Dubai ang karakter ni Sylvia ng malaking halaga, isang naka-time deposit at isang account para sa panggastos niya sa araw-araw bagay na ikinagulat nito.

Umuwi ng Pilipinas si Sylvia at dito nagtayo ng negosyo na successful naman at maraming tinutulungan ngayon.

Paalis ng April 11 si Sylvia patungong Dubai para sa shooting hanggang Abril 15 at magpapalipas lang ng Mahal na Araw at saka balik-shooting ng bagong pelikula nila ni Arjo Atayde.

Tuloy pa rin ang taping niya ng seryeng Project Kapalaran kasama sina Joey Marquez, Arci Munoz, Raikko Mateo, Maris Racal, Kid Yambao, Kiko Estrada, Kira Balinger, Mutya Orquia, Paulo Angeles, at JM de Guzman mula sa RSB Unit.

Samantala, pinalakpakan naman nang husto ang ipinakitang husay ni Sylvia sa pelikulang Jesusa bilang mapagmahal na asawa’t ina na naging adik.

Palabas ang Jesusa sa SM Cinemas at Gateway Cinema 5 na official entry sa 5th Sinag Maynila na magtatapos sa Abril 9.

Ang Jesusa ay mula sa direksiyon ni Ronaldo Carballo at produced ng OEPM (Oeuvre Events and Production Management).

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …